Aktor na si Alex Medina, may bagong gagampanang role sa kanyang buhay–ang pagiging isang ama

Proud na ibinalita ng 34 years old na aktor na si Alex Medina sa kanyang Instagram account na isa na siyang ganap na ama.

Credit: Alex Medina Instagram      

Sa Instagram ay nagpost si Alex ng letrato niya kasama ang kanyang baby girl na si Allie.

Sa caption ay sinabi ni Alex na naghahanda na siya para sa kanyang panibagong role at ito ay ang pagiging isang ama.

Credit: Alex Medina Instagram

“Getting ready for my new role ❤⭐”

Si Baby Allie ay anak ni Alex sa kanyang girlfriend na si Monique Tolentino. Si Monique ay isang writer at content creator.

Credit: Alex Medina Instagram

Magandang regalo ito para kay Alex dahil ipinanganak ang kanyang baby girl noong May 23. Ito ay tatlong araw bago niya ipinagdiwang ang kanyang ika-34 na kaarawan.

Nagkomento naman si Alessandra de Rossi sa post ni Alex at sinabing, Heto na sis! ❤️❤️❤️❤️”.

Credit: Alex Medina Instagram

Kalaunan sa kanilang usapan ay inaya ni Alex si Alessandra na maging ninang ng kanyang anak. Ito naman ay malugod na tinanggap ng aktres.

Nagkomento din ang kaibigan ni Alex na si Nicco Manalo at sinabing ang mga new role na dapat gampanan ni Alex para sa kanyang baby ay, “Coach/cheerleader/teacher/protector/toy/unan/and more”. Sumang-ayon naman dito si Alex.

Credit: Alex Medina Instagram

Bumuhos ang mga pagbati para sa aktor at sa kanyang girlfriend para sa biyayang natanggap nila.

“Aww cute!!!! congrats @alexvmedina ?”

“awww congrats daddy @alexvmedina and monique ?”

Credit: Alex Medina Instagram

Si Alex Medina ay mas nakilala at binigyan parangal sa kanyang pagganap bilang Diego sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak na pinagbibidahan din ni Cherry Pie Picache, Kim Chiu, at Maja Salvador.

Lumabas din si Alex sa mga teleserye na Two Wives, Pangako Sa’Yo, FPJ’s Ang Probinsyano, The Good Son, Playhouse at Los Bastardos.

Lumabas din si Alex sa mga indie film na Palitan kung saan itinanghal siyang best actor sa Cinema One Originals Festival 2012.

Credit: Alex Medina Instagram

Kilala din siya bilang anak ng batikang aktor na si Pen Medina at kapatid ng isa pang magaling na aktor na si Ping Medina.