Aktor na si Dion Ignacio, kasal na sa kanyang non showbiz girlfriend na si Aileen Sison

Noong Enero, ay naging masaya ang lahat nang ibalita sa social media ng aktor na si Dion Ignacio at kanyang non-showbiz girlfriend na si Aileen Sison na sila ay engagaged na.
At matapos ang paghihintay at preparasyon, ay ikinasal na ang dalawa kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa Viridis Countryside Garden sa Cavite.

Credit: Dion Ignacio instagram

Makikita naman sa mga post ni Dion sa IG ang mga pictorial photos na kuha ng Nice Print Photo sa IG noong March 31. “Officially married!!! Sa teleserye ko lang nagagawa to ngayon totoo na! At ngaun ay nagsasama na kame ng tama sa mata ng Diyos,” saad ni Dion sa kanyang IG caption.

Credit: Dion Ignacio instagram

Hindi lubos mailarawan at maisip ni Dion ang kanyang nararamdaman at lubos na kasiyahan sa kanilang pagpapakasal. Siguradong sila nga naman ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

“Can’t express how happy I am right now. Sobrang saya na may basbas na ni Lord ang aming samahan bilang mag asawa May He strengthen our relationship and grow forever in faith and love.

Credit: Dion Ignacio instagram

Nagpapasalamat din ako sa mga taong sumuporta Sa kasal namin and for making our dream wedding come to life,” dagdag pa ni Dion.

Ilan sa mga bumati at nagpaabot ng kanilang mensahe ng pagbati ay ang mga nakasama ni Dionn sa Starstruck na sina Mark Herras, Sheena Halili, at Jade Lopez, maging ang mga kaibigan ni Dion sa showbiz na sina Tom Rodriguez, Rodjun Cruz, Chynna Ortaleza, at Rita Avila.

Credit: Dion Ignacio instagram

Matatandaang si Dion ay isang aktor at sumikat sa kanyang pagsali noon sa Starstrvck. Habang si Aileen ay isang former international flight attendant at business owner ay nagkaroon sila ng anak na si Dylanne Jailee.

Credit: Dion Ignacio instagram

Ngayong ikinasal na sila, ay sigurado nga namang mas magiging masaya at blessed na blessed ang kanilang pagsasama at buong pamilya.