Aktres na si Ritz Azul, masayang nagdiwang ng kanyang ika-27 taong kaarawan kasama ang kanyang fiance

Isa sa mga iniidolong aktres sa henerasyon ngayon ay ang aktres na si Ritz Azul. At noong Lunes, January 11 ay nagdiwang siya ng kanyang 27th birthday.

Credit: Ritz Azul instagram

Masaya at magarbo ang kanyang selebrasyon na isang Mexican-themed party na mismong kanyang non showbiz fiance na si Allan Guy ang nag organize. Napaka sweet nga naman niya, hindi ba?
Dinaluhan ang party ng mga closest friends at pamilya ni Ritz.

Credit: Ritz Azul instagram

‘”Loved. Blessed. Thank God for my family, my fiancé @allan_guwi , friends, supporters, and for everything! To God be the glory. This year will be big and brighter. So excited!!!,” saad ni Ritz sa kanyang post.

Credit: Ritz Azul instagram

Sa isang post naman ni Ritz, ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong bumuo ng selebrasyon lalo na ang kanyang fiance na si Allan.

“Appreciation post for my guy. Thank you so much for always making me feel special, @allan_guwi. You really know how to make me laugh and cry at the same time. I love you so much!” post naman
ni Ritz.

Credit: Ritz Azul instagram

Samantala, ibinahagi din ni Allan ang kanyang nakaka touch na mensahe para kay Ritz.
“On this day, a queen was born. My Queen! Feliz Cumpleaños @ritzazul. I love you so much! Thank you for everything. You deserve to be happy for you’re such a nice and humble person I’ll always be here for you. More blessings to come! Wishing you good health and a bright future for us,” mensahe ni Allan.

Credit: Ritz Azul instagram

Matatandaang nagpropose na sa kanay si Allan noon at nakuha na rin niya ang matamis niyang oo kaya naman masayang masaya sila sa isa’t isa.

Credit: Ritz Azul instagram

“Well, ang masasabi ko lang I have someone I can lean on. Parang kasing sobrang best of best friend ko siya,” sabi pa ni Ritz.

Credit: Ritz Azul instagram

Masayang masaya naman ang lahat para sa kanilang dalawa. Nakibati din ang mga netizens at celebrities para kay Ritz.