Alden Richards, nakalikom ng mahigit P200,000 mula sa kanyang livestream gaming na ibibigay niya sa mga biktima ng bagy0ng Ulysses

Iba’t ibang fundraising event ang ino-organisa ngayon ng mga hinahangaan nating artista para makalikom ng pera para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagy0ng Ulysses. Naisip naman ni “Eat Bulaga” host Alden Richards na lumikom ng pera para sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses sa pamamagitan ng pagla-livestream gaming.

Credit: Alden Richards Instagram   

Nitong November 15 nga ay nag-livestream gaming si Alden kung saan ay nakalikom siya ng mahigit P200,000 na aniya, lahat ay mapupunta sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagy0ng Ulysses. Para naman sa mga nanood ng kanyang livestream ay isang iPhone 11 Pro Max ang ibibigay ni Alden bilang giveaway.

Nitong November 16 naman ay masayang in-anunsyo ni Alden sa kanyang official Facebook page at gaming page na umabot sa P222,559 ang nalikom niya mula sa paglalaro niya ng Mobile Legends.

Isang letrato ang i-pinost ni Alden kung saan ay sinabi niya na 100% ng nalikom niyang pera ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses.

Aniya, “100% of proceeds received from last night’s stream is for the benefit of those affected by #ULYSSESPH”

Credit: Alden Richards Twitter

Sa caption naman ng nasabing letrato ay pinasalamatan ni Alden ang mga nag-donate at nanood ng kanyang livestream.

Saad ni Alden, “Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe #ARGaming #UlyssesPH.”

Credit: Alden Richards Instagram

Masaya naman ang mga tagahanga ni Alden sa magandang resulta ng kanyang livestream gaming na nagsilbing isang fundraising event. Komento nila:

“Congratulations!!!! Being open arms to the typhoon victims. More more abundant blessings Alden Richard. God bless you always.”

“Galing mo alden kaya madaming biyaya at nadating syo ay isa kang mabuting tao.keepsafe and god bless.”

Credit: Alden Richards Instagram

“Iba ka talaga Alden Richards pag ikaw nanawagan ng charity 100% sure marami ang tatalima sa hiling mo. Mabuhay ka pa ng mahaba at ng mas marami ka pang matulungan. Salute to you young man.”

“Great job #AldenRichards! Keep up the good work! Kaya ka lalong pinagpapala ay dahil sa iyong generosity! Patuloy ka naming mamahalin kudos!”

Credit: Alden Richards Instagram

“Good job guys!! We’re proud na marami ang natutulungan ng atin idol next game ulit.”