Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, nagsimula na sa kanilang shooting para sa kanilang reunion movie na “Walang KaParis”

Muling mapapanood ng kanilang mga tagahanga ang mag-on-screen partners na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa isa na namang romantic-comedy film na “Walang Ka-Paris”.

Base sa mga social media post nina Alessandra at Empoy, sinisimulan na nilang i-shoot ang kanilang inaabangang reunion movie.

Credit: Alessandra De Rossi Instagram      

Ito ang ikalawang beses na magtatambal sina Alessandra at Empoy. Matatandaang una silang napanood na dalawa noong 2017 sa kanilang box-office hit rom-com film na “Kita Kita”.

Makakatrabaho pa rin nina Alessandra at Empoy sa pelikula ang manunulat at direktor ng “Kita Kita” na si Sigrid Andrea P. Bernardo.

Credit: Alessandra De Rossi Instagram

Sa “Kita Kita” ginampanan ni Alessandra ang papel ni Lea, isang Pilipino na nagtatrabaho bilang isang tour guide sa Japan, na nabulag matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang fiancé. Nakilala naman ni Lea si Tonyo na ginampanan naman ni Empoy. Naging magkaibigan ang dalawa at kalaunan ay nahulog sila sa ísa’t isa.

Credit: Alessandra De Rossi Instagram

Sa isang artikulong inilathala ng PUSH, nilinaw naman ni Sigrid na ang “Walang KaParis” ay hindi isang sequel ng kanilang 2017 film na “Kita Kita”.

“This is a totally different story. Alessandra and Empoy will reunite in the city of love — Paris, thus the title Walang Ka-Paris,” saad ni Sigrid sa nasabing artikulo.

Credit: Alessandra De Rossi Instagram

Samantala, ilang larawan naman kuha mula sa set ng “Walang KaParis” ang ibinahagi ni Sigrid sa kanyang Instagram account.

Ayon sa update ni Sigrid, natapos na umano nila ang first-leg ng shooting ng pelikula.

Credit: Alessandra De Rossi Instagram

“Day 5. Done with our first leg of shoot. Congratulations team #WalangKaParis ! Thank you and see you next year! Merry Christmas and a Happy New Year!,” pahayag ni Sigrid sa Instagram.

Ipinahayag naman ng ilang netizens ang kanilang excitement para sa reunion movie nina Alessandra at Empoy. Narito ang kanilang mga komento:

Credit: Alessandra De Rossi Instagram

“Can’t wait for your movie..I’ve watched Kita Kita for 1million times already! That’s how I love your team up and of course the story. Just sad that up to now, Through Night and Day is still not on Netflix US”

“excited na sa movie niyo together”

“Panonoorin ko tooooooo po”

Credit: Alessandra De Rossi Instagram

“Nakakasabik na muli kayong makita sa iisang pelikula”

Ang reunion movie nina Alessandra at Empoy ay co-produced ng Spring Film at Viva Film na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.