Alex Gonzaga, ipinasilip ng malapitan ang kanyang engagement ring na talaga namang kumikinang sa laki ang diamond nito

Isang bagay na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan ay ang lumagay na sa tahimik at bumuo ng kanilang sariling pamilya. Pero bago iyan, ang sumpaan ng kanilang pagmamahalan sa harap ng tao at ng Diyos sa pamamagitan ng kasal ay talaga nga namang pinaghahandaan.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ang kilalang Youtube vlogger, host at actress na laging nagpapasaya sa atin ay opisyal ng engaged sa kanyang boy friend na si Mikee. Ibinahagi niya ito sa kanyang mismong kaarawan na talaga nga namang nagpasaya sa madla.

Kaugnay nito, isa sa mga ibinahagi niya sa kanyang social media account ay ang kanyang napakagandang engagement ring. Mapapa wow ka na nga lang sa engagement ring na ito dahil napaka elegante nitong tignan at bagay na bagay sa kanya.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Pero siyempre, mas bagay pa rin sila ni Mikee. Mas mahalagang makita dito ang malalim na pagmamahalan ni Alex at Mikee na sumisimbolo sa singsing na ito.

“I am still on a high ‘coz Mikee put a ring on it!!,” na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ni Alex.

 

View this post on Instagram

 

I am still on a high ‘coz Mikee put a ring on it!! Matutuwa si Queen Beyoncé sa aking Fiancé! ?Wearing chili nude lippy shade ?

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on


Nakuha pa niyang magbiro nang ibahagi niya ito sa kanyang IG.

“Matutuwa si Queen Beyoncé sa aking Fiancé! Wearing chili nude lippy shade,” sambit ni Alex sa Instagram.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Maging ang mga kaibigan, at mga malalapit sa kanila ay tuwang tuwa kay Alex sa kaniyang engagement.

“My alaga @cathygonzaga is officially off the market ? #makeupbymikkamarcaida hair: @jerrybuanjavier nails: @mimsqiu@minmeluxurynails styled by @cathsobrevega@ririverano,” bahagi naman ni Mikka Marcaida.

Credit: Mikka Marcaida Instagram

Sino ba ang hindi matutuwa na sa wakas ay officially engaged na ang laging nagpapasaya sa atin na si Alex Gonzaga?

Tuloy tuloy naman ang mga preparasyon sa kanilang kasal. Kamakailan lang ay kasama ni Alex ang kanyang ate na si Toni Gonzaga sa Singapore para sa kanyang wedding gown.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Suportadong suportado nga naman talaga si Toni kay Alex. Kaya naman, excited na ang lahat para makita ang kasalang ito ni Alex at Mikee.