Alex Gonzaga, nagpanggap na white lady at prinank ang mga kasama sa bahay

Kapag nga naman matagal ka nang nasa loob ng bahay at walang magawa ay bigla kang makakaisip ka ng samu’t saring gagawin. Kasama na dito ang pagpaprank.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Kilala si Alex Gonzaga sa kanyang mga nakakatawang video at itong mga nagdaang linggo ay iba’t ibang prank ang nilabas ni Alex na talaga namang tumabo sa takilya.

Itong nakaraang araw ay nagupload si Alex ng video kung saan nagpanggap siya na parang isang white lady. Nagsuot siya ng puting damit, naglagay ng pulbos sa mukha at nagpatong ng kumot sa ulo.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Ayon kay Alex ay ginawa niya ito para pambawi sa kanyang ateng si Toni Gonzaga. Ikwinento ni Alex na noong bata pa siya ay nagkaroon ng pagkakataon na nagsuot ng puti ang kanyang ate at naglagay ng maraming pulbos sa mukha. Tinakot siya ni Toni at talagang takot na takot daw siya noon.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Ang mga prinank ni Alex ay ang kanyang mga kasama sa bahay. May iba na hindi natakot sa kanyang prank ngunit may dalawang kasama sa bahay si Alex na talaga namang takot na takot sa kanilang nakita. Ang isa ay napasigaw at napaupo sa lapag at ang isa naman ay napakaripas ng takbo.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Sa huli ay pinaalalahanan ni Alex ang dalawang takot na takot na kasama sa bahay kung ano ang kanilang dapat gawin kapag nakakita ng white lady. Bilang pampalubag loob at reward ay binigyan ni Alex ang bawat isa sa kanila ng isang libong piso.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Iba’t ibang komento naman ang natanggap ng video ni Alex.

“She really knows how to make us smile in times of Qur@nt!ne.”

“We deserve a horror-comedy movie of Alex after ecq!”

Credit: Alex Gonzaga YouTube

“I’ve been crying everyday, feeling sad and empty and I cannot distract myself. But I got to laugh rn after watching this, thank you Ms. Alex. ?”

“Sofie never let us down whenever she appears sa vlog ni Alex G. ?”

“THANK YOU ALEX FOR MAKING OUR QUAR@NT!NE LESS BORING. GOD BLESS YOU ALEX. YOU NEVER FAILED TO MAKE US HAPPY. I LOVE YOU ATE”