Alex Gonzaga, nakakatawang nag takeout ng pagkain sa isang mamahaling restaurant kasama ang vloggers na sina Jayzam at Camille

Talaga nga namang isa sa mga laging dinudumog at inaabangang vlog sa panahon ngayon ay ang vlog ng sikat na host, vlogger at actress na si Alex Gonzaga.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

Mula sa kanyang mga nakakatawang mga vlogs, mga biro at mga tirada ay talagang s@sakit na lang ang iyong tiyan sa kakatawa. Mas nagpapasaya pa dito ang kanyang mga ka collab gaya ng kanyang mga pamilya, barkada, boyfriend na si Mikee at maging mga kaibigan at kapwa artista o vlogger.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa latest vlog ni Alex Gonzaga, kasama niya dito ang kanyang fiance na si partner, Mikee Morada, at ang sikat na couple YouTuber na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

Double date ito na talagang na enjoy nila sa isang sikat na sikat na steak house, sa Wolfgang’s Steakhouse by Wolfgang Zwiener. Bukod sa masarap na pagkain, na enjoy din naman ni Alex, Mikee at Jamil ang mga kulitan nila ni Alex.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

Isa sa mga naging topic nila ay ang mga tawagan nila bilang magjowa. Tawagan ng Jamil ay mimi para daw malambing na baby ito. Habang kumakain naman ay talagang makikita na nakakatakam ang masarap na steak. Patawa pang nilalagay ni Alex ang mga steak sa food container dahil sayang daw.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

“Wait Kuya, kasi sayang naman ‘to, hindi kinain. Magte-take out kami, syempre ang tupperware ng bayan. Sayang naman kasi kuya,” saad ni Alex. Pagkatapos naman nito, ipinakita ng chef sa Wolfgang ang mamahalin nilang wine na nagkakahalaga ng 500,000. Kaya naman, hanggang hawak at himas nalang sila dito. Tila natatak0t nga daw sila baka mab@sag ito.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

Bandang huli, nakuha rin naman nilang uminom ng wine na nakuha pa nilang ilagay sa plastic yelo na talagang nakakatawa.

Source: Alex Gonzaga Official Youtube

“Natira pa yung wine, sayang. Akala nila mauuto tayo, alam niyo Wolfgang, di kami pinanganak kahapon,” patawang sabi pa ni Alex.