Alex Gonzaga, namasada ng jeep kasama ang kanyang daddy Bonoy na talagang kinagiliwan ng maraming pasahero

Sino ba ang walang memorable moments sa pagsakay sa jeep? Lahat nga naman tayong mga Pinoy ay paniguradong nakasakay na ng jeep. Tatak na nating mga Pinoy ang kulturang jeepney na uri ng ating transportasyon.

Maraming mga kabuhayan din ang nakasalalay sa pamamasada ng jeep. Mas mura, mabilis at komportable nga naman ang byahe sa jeep.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Kaya naman, sa vlog ng host at vlogger na si Alex Gonzaga ay ipinakita ang buhay ng isang byahero at jeepney driver. Rumenta ng isang jeep si Alex Gonzaga at namasada sila kasama ng kanyang ama.

Napagalaman din na dati palang namamasada ang tatay ni Alex kaya naman namiss din talaga niya ito.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

“Nung bata kami, meron kami dating jeep. Ang daddy ko namamasada noon tapos ang gagawin namin ng ate ko, sasama kami. Tapos ending nagiging pasakit ako sa mga pasahero kasi natutulugan ko sila,” pagbabahagi ni Alex sa kanyang vlog.

Nakakatuwa ang mga pakulo ni Alex. Una na dito ang pagbibigay niya ng 100 pesos na sukli sa mga bawat pasaherong magbibigay ng bayad magkano man ang bayad nito.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Nagpa games din siya gaya ng Bring Me sa loob ng sasakyan. Nagpa sample pa siya ng sayaw at kanta sa loob at nakatanggap ng premyo mula kay Alex.

Nakakatuwa din na nagpaka barker muna si Alex. Tinuturuan pa siya ng kanyang daddy kung paano magtawag at maghanap ng pasahero sa pasada.

Enjoy na enjoy ang mga pasahero at maging mga netizens. Narito ang mga komento:

“Ilove U Alex…???ingat ka palagi,and GOD BLESS TO UR FAMILY”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

“Alex: Bring me Atm card! *Mommy dali dali pumunta kay alex also Mommy: Ay wala pala akong Atm”

“she makes me laugh so hard..nakakagaan ng pakiramdam..continue what u do ms. alex?

“Pagsakay ng pasahero ALEX: oh trese trese Daddy bonoy: Mamaya magbabayad yan??? sabay kulbit sa binti”

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Sakit tyan ko kakatawa umpisa hanggang matapos ☺️????? sumakit ang katawan ni daddy pagkatapos ????