Anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, kinagiliwan ng mga fans dahil sa mala dalaga nitong mga litrato

Gaano ba katagal ang panahon? Paminsan tila mapag biro ang oras. Marami sa atin ang nakararanas nang pakiramdam na para bagang matagal ang ikot ng mga kamay ng orasan pag may mga ginagawa tayo na tila hindi natin gusto o di kaya pag wala tayong ginagawa.

Credit: @andieigengirl instagram

May mga panahon naman na pag nag kakasiyahan naman sa isang partikular na mga pangyayari na tinatawag nating moments ay tila ang bilis nang oras, parang pagkaripas ng talon ng kuneho kung ito’y hinahabol. Mapasabi na nga lang din ang marami sa atin na talagang napakabilis lumipas ng panahon pag lalo kung namumuhay ka at ninanamnam ang bawat minuto bilang tao.

Credit: @andieigengirl instagram

Sa isa ngang latest post ni Andi Eigenmann sa kanyang official Instagram account ay makikita ang dalawang larawan na ang binibida ay ang kanyang sweet na sweet na anak na si Ellie na ayon pa nga sa mga netizen ay tila Mini-me ni Andi dahil na rin sa pagiging simple nito, down to earth at masayahing bata.

Credit: @andieigengirl instagram

Isa ngang napaka sincere at may halong nostalgic emotion ang naisambit ni Andi sa kanyang caption sa post nyang ito. “Pictures coming rare with this beaut lately” pasimulang sabi ni Andi na ayon pa nga sa kanya ay hiningi nya pa ang pabor na ito para kunan ng larawan ang anak kasama na rin sya dahil mga busy na busy si Ellie sa kanyang pakikisalamuha sa mga kaibigan o kakilala nito sa mismong isla, “She’s been busy growing up-” sabi pa nga nya.

Credit: @andieigengirl instagram

Para kay Andi nga ay napakabilis na din ng panahon dahil nakikita nyang lumalaki o nagdadalaga na ang kanyang anak. Na ayon pa nga sa kanya ay may galak na pinagmamasdan nya ito habang nakikisaya sa mga kalapit na kaibigan nito na nag kukuha pa sila ng mga videos mula sa tiktok— mga karaniwang tiktok moves na pinapractice nilang magkakaibigan.

Credit: @andieigengirl instagram

Ikinatuwa nga din ni Andi na ang mga karakter na nahuhub0g ni Ellie ay galing din sa isla dahil na rin sa pakikisalamuha nito sa mga taga rito, “Growing up to be so playful, and cheerful, and charming, and so friendly” sabi pa nga ni Andi.

Credit: @andieigengirl instagram

Makikita nga sa larawan na ngiting ngiti si Ellie kasama ang kanyang mommy Andi at makikita nga na ine-enjoy talaga nila ang buhay sa isla. Dahil na rin sa kapansin pansin na mga marks ng svn bvrn sa mukha dahil sa pamumula, gawa na rin sa kutis nito na maputi, na namana nya sa kanyang mommy Andi.

Credit: @andieigengirl instagram

Tunay nga naman na napakabilis ng panahon, ngunit wag natin sanang kalimutan ang lahat nang ito, kaya malaking bagay ang mga larawan. Bilang tanda ng ala-ala. Para kung babalikan ay may magbabalik ding mga damdamin gaya ng damdamin ng unang kinuha ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Ngunit, wag din natin kalimutan na mamuhay sa present at ienjoy ito, gaya ni Ellie na busy sa paglaki ika nga ng kanyang mommy.