Anak ni Andi Eigenmann na si Lilo, gustong sumali sa online class ng kanyang ate Ellie

Kakaiba talaga ang ipinapakitang closeness ng mga anak ng dating aktres at ngayo’y full time mom at vlogger na si Andi Eigenmann na sina Ellie at Baby Lilo.

Credit: Andi Eigenmann Instagram 

Sa isang vlog na inupload ni Andi sa kanilang YouTube channel na “Happy Islanders” ay makikita ang kagustuhan ni Baby Lilo na makasama si Ellie kahit pa nasa gitna ito ng kanyang online class.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa vlog ay mapapanood si Baby Lilo na nakahawak sa silya ng kanyang ate Ellie habang nag-oonline class ito. Mukhang nami-miss na ni Baby Lilo na makipaglaro sa kapatid kaya kinukulit niya ito.
Para makapag-pokus si Ellie sa kanyang online class ay kinuha na muna ni Andi si Baby Lilo para bihisan ito.

Credit: Happy Islanders YouTube

Hindi naman natuloy ni Andi na bihisan si Baby Lilo dahil bumalik ito sa kwarto ng ate Ellie niya. Sa parte ng video na ito ay naglagay ng caption si Andi.

Credit: Happy Islanders YouTube

Caption ni Andi sa ginagawa ni Baby Lilo, “I’m going to school with ate Ellie.”

Ani Andi, “We’re supposed to be changing and then she ran out of the banyo and waiting outside ate Ellie’s room.”

Credit: Happy Islanders YouTube

Kasalukuyang nasa Manila pa rin sina Andi at mga anak nito. Sa mga vlog at larawan na ibinabahagi ni Andi sa social media ay makikita ang pagiging malapit nina Ellie at Baby Lilo sa isa’t isa.

Credit: Happy Islanders YouTube

Sa Instagram ay nagbahagi ng larawan si Andi kung saan ikwenento niya na isa sa mga nagbibigay kaligayahan sa kanya ay kapag nakikita niyang masayang nagsasama ang kanyang mga anak.

Sa caption ay nagkuwento si Andi na kahit nahihirapan siya sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ni Philmar Alipayo, gumagaan ang kanyang pakiramdam lalo na kapag nakikita niyang masayang naglalaro at nagkakasama ang mga anak.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Aniya sa caption, “My girls! Bed ridden for most part of the day because of my intense lower back pain. 😫 definitely been feeling this pregnancy a little extra compared to the last 2! Quite a struggle somehow but it really makes me feel better seeing them happily play and hang out together all day.”