Anak ni Marjorie Barretto na si Leon, grumaduate ng may honor at humakot ng maraming awards at medalya

Walang dudang kilalang- kilala ng mga pilipino ang magkakapatid na Barretto, lalong- lalo na sina Gretchen Barretto, Marjorie Barretto at Claudine Barretto dahil sa kanilang career sa showbiz at galing sa pag-arte noon.

Hindi lamang ang magkakapatid na Barretto ang kilalang- kilala ng mga pilipino, pati na rin ang kanilang mga anak na pinili rin ang pag-pas0k sa mundo ng show business tulad ng iba sa mga anak ni Marjorie.

Si Julia Barretto ay unang umarangkada sa pag-arte noong bata pa siya na nag- simula noong naging bida siya sa isang ABS-CBN teleserye na pinamagatang “K0key” at gumanap ito bilang Anna Calugdan.

Simula noon ay patuloy nang nakilala si Julia sa kanyang galing sa pag- arte dahil nag tuloy- tuloy na ang kanyang karera sa showbiz hanggang ngayon. Samantala, ang panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto ay may sarili nang pamilya, ang pangatlong anak naman nito na si Claudia Barretto ay isang singer at songwriter ng Viva records at kamakailan-lamang ay mag- sisimula umano ito sa pag- acting.

Talaga naman nakaka- proud ang mga anak ni Marjorie dahil nagtatayo sila ng kani- kanilang pangalan sa industriyang kanyang kinalakihan. Ngunit hindi rito nagtatapos ang pagiging proud ni Marjorie sa kanyang mga anak.

Dahil ang kanyang nag- iisang anak na lalaki na si Leon Barretto ay nagtapos ng High school na may High honors at maraming awards. Sa latest post ni Marjorie sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang mga letrato ng kanyang anak na si Leon na suot- suot ang toga nito at mga medals kasama ang pamilya.

Ayon kay Marjorie ay nagtapos si Leon ng with High Honors at may pitong medalya na nakuha niya sa kanyang mga subject na Math, Social Science, Arts at Communication Arts at ang iba ay Teen Can Award at sa pagiging Top 2. Mararamdaman kung gaano ito ka proud sa kanyang anak dahil napakarami nga namang nakuha ni Leon na mga awards sa eskwelahan nito.

Makikita talaga kung gaano ka outstanding at katalino ang kanyang nag- iisang anak na lalaki.
“Your sisters and I are so PROUD of you! Thank you Leon, for making it all worth it. Thank you God for seeing us throughout the last 14 yrs. Keep going Leon, you are on the right path ❤️??We love you so much!” dagdag pa nito sa kanyang caption.

Labis ang saya at pasasalamat ni Marjorie sa kanyang anak dahil hindi nito binigo ang mga magulang at mga kapatid at ginawa ang kanyang makakaya upang makapag- tapos ng pag-aaral. Binanggit naman ni Marjorie sa kanyang post ang anak niyang si Julia at pinasalamatan ito sa pag-tulong sa pagpapa- aral sa kanyang kapatid sa magandang eskwelahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldn’t have done it all without your help. You must be so proud too, and missing you so much.❤️” Pahabol pa nito.
Mapapansin na wala si Julia sa family pictures na ipinost ni Marjorie dahil mayroon itong l0ck-in taping sa Subic na isa sa mga location sa ginaganapan ni Julia na isang TV5 series na pinamagatang “Di na muli” kasama an aktor na si Marco Gumabo.