Anak ni Paolo Contis na si Summer, pinabilib ang mga netizen ng ipinakita ang galing sa pag-arte

Kinagigiliwan ang mga videos ngayon ng aktor na si Paolo Contis dahil sa kanyang bibo at cute na cute na anak na si Summer Ayana.

Credit: Paolo Contis Instagram      

Si Summer ay anak ni Paolo Contis sa kapuso artist na si LJ Reyes. Si Summer ay ipinanganak noong January 4, 2019 at isang taong gulang na ngayon.

Maraming netizen ang bumilib sa ka-cutean ni Baby Summer na laging kasama ng kanyang Daddy Paolo sa video.

Credit: Paolo Contis Facebook

Kamakailan lang ay nagpost si Paolo ng video kung saan ipinakita niya ang bunga ng acting rehearsal nila ni Summer. Ang video na ito ay nagviral at umabot na sa 3.3 million views at higit 30,000 na shares tatlong araw matapos itong i-upload sa Facebook.

Credit: Paolo Contis Facebook

“Madaming nag tatanong sakin kung kailan ako mag lalabas ng bagong #Acting101 ni Summer… Hindi niyo lang alam na never kami huminto ng training! ? Sa katunayan, nasa advanced class na kami! Nasa #Acting102 na kami! ??? using music for actor’s cue and letting go agad pag cut ni direk! Perfect na po niya ito! ??? #SummerSerye ❤️ Direk! Ready na kami!! ??? PS. Hindi ko siya kinurot ha! Medyo sensitive talaga si Summer sa music. Lalo pag malungkot mo kantahin! ?”

Natuwa din ang mga netizen dahil parang naiintindihan na talaga ni Summer ang mga sinasabi ng ama dahil lagi itong tumatango kapag tinatanong ito ng kanyang ama.

Credit: Paolo Contis Facebook

Nagbigay ng komento ang mga netizen kung saan sinabi nila kung gaano sila katuwang-tuwa sa mag-ama.

Credit: Paolo Contis Facebook

“Nice one baby summer no double no take two on screen agad ang galing talaga ng baby summer namin good job so very smart you know what you do hihihi…and your trainor daddy paulo are good director and manager!????god bless baby summer maliit ka palang marunng kana sumunnod sa mga magulang mo good baby god bless always?”

Credit: Paolo Contis Facebook

“ka cute sa baby best actress to ang galing den ng daddy paolo contes niya mag turo good luck and god bless u both”

“Nice one summer nakkatuwa talga kau magama made my day po kakagising ko lang ang cute ❣️❣️❣️”

“Kamukha ni LJ si Summer. ❤️”

Credit: Paolo Contis Instagram

“she’s really amazing baby.. d ko alam kung nauunawaan n b tlga nia c daddy but shes so adorable..”

“Cute naman nilang mag ama.bata palang ako idol ko na si paolo tapos may anak na sya idol ko talaga sya.katuwa kayung mag ama.nice..goodjob summer cute cute mo mana ka kay mommy mo..??”

Ka-abang-abang ngayon kung tuluyang ipasok ni Paolo at ni LJ si baby Summer sa showbiz pagdating ng araw.