Anak ni Pokwang na si Malia, all-out ang naging ‘suklay diva’ performance na ikinatuwa ng mga netizen

Bata man o matanda marami sa ating mga kababayan ang nahuhumaling ngayon sa mga musikang Koreano o K-pop music. Sino ba naman ang hindi mapapakanta sa ‘upbeat tune’ at mapapasayaw sa magandang choreography ng mga sikat na K-pop music ngayon?

Credit: @itspokwang27 Instagram

Isa nga ang anak ni TV host-actress at comedian Pokwang na si Malia Francine sa mga tuluyan nang nahumaling sa K-pop music partikular na sa kantang ‘K!ll This Love’ ng pinakasikat ngayong South Korean girl group na ‘Blackpink’.

Sa video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ay mapapanood si Malia na nag-ala suklay diva habang kinakanta ang sikat na k-pop music.

Caption ni Pokwang sa IG video, “Tisay @malia_obrian ang bagong suklay diva hahahaha maka kill this love naman grabe”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Sa video ay mapapanood si Malia na all-out sa kanyang performance hawak ang isang brush bilang kanyang mikropono.

Makikita rin sa video na hindi lang ipinakita ni Malia na kabisado niya ang kanta kung hindi ibinida rin nito ang kanyang galing sa pagsayaw.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Nakakaaliw panoorin ang dalawang taong gulang na anak ng komedyante na sumasayaw sa kanyang sariling dance steps.

Samantala, kapansin-pansin din ang ekspresyon ng mukha ni Malia dahil aakalain mo talagang nasa concert stage ito at nagpe-perform.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Aliw na aliw naman ang maraming netizen sa all-out performance ni Malia. Narito ang ilang komento ng netizens sa video ni Malia:

“Kakalokah ang kyut! Bet ko color ng hair ni maliaaaa love it”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Mamang @itspokwang27 sa suklay talaga nag-uumpisa yan…suklay muna ang mic and soon superstar na sya hihihihi ang cute”

“Ang arte arte na nya..haha pakendeng kendeng na din..ang bilis ng panahon”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Kung maka rampapapapapapam eh…character na character…kabahan na si jennie…lol”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Wahahahaha aba nag-iiimprove lalo this time nag chachacter…k!ll it my malia..(u really made me smile)mamang @itspokwang27 naku kakabugin k na hahaha i master mo na how to be MANAGER/MOTHER”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Si Malia Francine ay anak ni Pokwang sa kanyang partner na si Lee O’Brian. Matatandaang bukod kay Malia ay mayroon pang isang anak si Pokwang na si Mae sa kanyang dating Japanese partner.