Anak nila Isabel Oli at John Prats, apat na buwang gulang na!

Isa sa mga celebrity kid na ipinanganak ngayong panahon ng qu@rantine ay ang bunsong anak ng mag-asawang Isabel Oli at John Prats na si Lilla Forest. Ipinanganak ni Isabel ang cute princess nila ni John nitong July 17 lamang.

Credit: @isabeloliprats Instagram    

Nitong November 17 nga ay ipinagdiwang ng celebrity couple ang pagtungtong ni Baby Forest ng apat na buwang gulang.

Sa kani-kanilang Instagram account ay nag-post sina Isabel at John ng mga cute pictures ni Baby Forest. Sa mga larawan ay nakasuot si Baby Forest ng isang puting onesie na may naka-imprinta na “baby forest” sa gitna.

Credit: @johnprats Instagram

Matching naman ang yellow headband na suot ni Baby Forest sa kanyang yellow shorts. Ang set up ng photo shoot ni Baby Forest ay simple lang din ngunit bumagay sa kanyang cute outfit. Maraming netizens naman ang nanggigil sa ka-cutan ni Baby Forest. Komento nila:

“Happy 4 months, baby foreest!!!!”

“Ohhh cutiee”

“ang cute naman”

Credit: @johnprats Instagram

“She is cute and pretty baby”

“Happy 4 months my angel @forestprats,” caption naman ni John sa parehong letrato na i-pinost ni Isabel.

Samantala, sa kanyang naunang post sa Instagram, ibinahagi naman ni Isabel na napaka-challenging para sa kanya ang pagsilang niya kay Baby Forest sa gitna ng p@ndemya.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Pagkukuwento ni Isabel, unang beses umano niyang manganak na wala sa kanyang tabi si John. Matatandaang nang manganak kasi si Isabel ay nasa kasagsagan ng kanyang lock-in taping si John para sa Kapamilya drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kwento pa ni Isabel, “Giving birth to you during these times was really challenging. It was way different from your two older siblings. Mama was really anxious about what’s going to happen ‘cause for the first time, I will be “alone” without your Papa @johnprats by my side. Mama was scared and worried ‘cause it was a first for her.”

Credit: @isabeloliprats Instagram

Sa parehong post din ay nagpasalamat si Isabel sa Diyos sa pagbibigay nito sa kanya ng mga taong magbibigay lakas at kapayapaan sa kanyang kalooban. Ito ay ang mga doktor at nurse na nakasama niya at sumuporta sa kanya habang siya ay nanganganak.

Ikwenento rin ni Isabel ang pagsailalim nila ni Baby Forest sa 14-day qu@rantine bago nila nakasama ang kanilang mga mahal sa buhay kasama na nga rito si John.

Sa kabila naman ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Isabel sa kanyang pagbubuntis ay masaya pa rin siya at nagpapasalamat sa Diyos sa paggabay nito sa kanya at sa kanyang anak.

Credit: @isabeloliprats Instagram

Sina Isabel at John ay biniyayaan ng tatlong anak. Ang panganay nila na si Lily Feather, ang kanilang unico hijo na si Daniel Freedom at siyempre si Baby Forest.