Anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha, pinabilib ang netizens nang ipamalas ang galing sa pag-awit at pagtugtog ng piano

Umani ng maraming papuri mula sa netizens ang anak nina actress-beauty queen Charlene Gonzalez at matinee idol Aga Muhlach na si Atasha matapos ibahagi ni Charlene sa social media ang video nito na kinakanta ang hit-single ni Beyonce na “Listen”.

Credit: Charlene Gonzalez-Muhlach Instagram  

Caption ni Charlene sa Instagram video, “My love…..@atashamuhlach.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlene Gonzalez-Muhlach (@itsmecharleneg) on

Pinahanga ni Atasha ang lahat dahil sa kanyang napakagandang boses at kakaibang istilo sa pagkanta.

Sa video ay maririnig si Atasha na puno ng emosyon habang kinakanta ang hit-single ng American singer.

Mas nakakabilib pa ang 19-year old na anak nina Charlene at Aga dahil habang kumakanta ay ito rin mismo ang tumutugtog ng piano.

Credit: Charlene Gonzalez-Muhlach Instagram

Pinatunayan ni Atasha na bukod sa ganda ay may ipagmamalaki pa siya sa lahat lalo na sa kanyang mga magulang.

Dahil maikli lang ang video na ibinahagi ni Charlene ay iniwan nito ang netizens na nanghihingi pa ng maraming singing video mula kay Atasha.

Credit: Charlene Gonzalez-Muhlach Instagram

Bumaha naman ng maraming papuri mula sa netizens ang pagkanta ni Atasha. Komento ng ilang netizens:

“Galing po!!!”

Credit: Charlene Gonzalez-Muhlach Instagram

“more po pls”

“May sariling version…maamo ang boses”

“Wow! very talented”

“nakakabitin naman….more pleasee…”

Samantala, bukod sa kanyang talento sa pagkanta ay isang mahusay na artist at painter din si Atasha. Sa kanyang Instagram account ay makikita ang ilan sa mga nakakamanghang likha ni Atasha.

Credit: Charlene Gonzalez-Muhlach Instagram 

Marami tuloy ang nagtatanong kung kanino ito nagmana. Sinagot naman ito ng Daddy Aga niya.
Sa isang interview ni Aga sa “Magandang Buhay” ay sinabi nitong, “Siyempre hindi sa akin ‘yan. Sa kanya lang I think or nakuha sa nanay niya [‘yung talent]… I think lahat naman ng bata ay mahilig gumuhit. ‘Yung iba lang they just stop at naiiba na ‘yung landas, lumalabas na at pasyal-pasyal dito, nakakalimutan na ang arts.”

Hindi lang dito nagtatapos ang pagiging talentado ni Atasha. Maliban kasi sa kanyang talento sa musika at sining ay mahilig din ito sa sports.

 

View this post on Instagram

 

It’s been an honour to represent the Philippines and to be a part of such an amazing team ❤️🏉 love you guys

A post shared by Tash 🏄🏽🦖🤠 (@atashamuhlach_) on

Sa katunayan, miyembro ng girls basketball team ng kanilang paaralan si Atasha. Kabilang din si Atasha sa Philippine women rugby team ng Pilipinas.

Credit: Charlene Gonzalez-Muhlach Instagram

Patunay lang ito na beauty with talent si Atasha!

Sa mga hindi nakakaalam ay mayroon ding kakambal si Atasha na si Andres Muhlach. Kamakailan lang ay nagtapos sa kanilang high school ang kambal. Unang nakilala ang kambal dahil sa fast food commercial na ginawa nila kasama ang mga magulang.