Anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Joaquin, masayang nagdiwang ng kanyang 1st birthday

Sa mabilis na paglipas ng panahon ay patuloy na nasasaksihan ng mga netizens ang paglaki ng mga anak ng mga celebrities. Kung noon ay ang nasilayan nila ang mga pictures ng mga newborn celebrity babies, ngayon naman ay kanila nang nasasaksihan ang mga pagdiriwang ng birthday ng mga ito.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Tulad na lamang ng celebrity baby na si Joaquin na anak ng mga celebrity parents na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, ipinagdiwang ang birthday ng baby boy nito lamang buwan ng September.
Ipinasilip ng mag-asawang Rodjun at Dianne sa mga netizens ang ginanap nilang celebration para sa kanilang first born child.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Ang celebration ay isang indoor safari-themed party kaya naman mapapansin sa attire ng pamilya Illustre na tila sila ay mga “safari guide” sa suot nilang khaki hats and uniforms.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Ang mga nag-attend sa celebration ay ang kanilang mga kapamilya na nakisabay rin sa theme ng party. Limitado lamang ang mga bisita dahil sa kasalukuyang p@nd3mya, gayunpaman ay mapapatunayan naman sa mga post na hindi nilimitahan ang mga kinailangan sa birthday party.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Sa Instagram ni Dianne Medina ay makikita kung gaano ka-garbo ang celebration at masasabing pinaghandaan talaga. Napakabongga ng mga decorations na nakuhang napagmukhang realistic na safari ang place.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Napaka-elegante din tignan ng dining set up at napakarami ring handa sa celebration. Ang 5-tier safari-themed cake ni Joaquin ay kapansin pansin rin. Sa bawat Instagram post ni Dianne na may mga panimulang caption na “Joaquin’s Safari Themed First Birthday ❤️” ay isa isa niya ring pinasalamatan ang lahat ng mga naging rason kung bakit naging posible ang selebrasyon sa kabila ng p@nd3mya.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Kung bibisitahin naman ang account ni Rodjun ay mayroon din siyang ibinahaging mga post na mga pasilip sa birthday ng kanilang baby boy.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Inulan naman ang comment section ng mga nasabing post ng birthday greetings na galing sa mga netizens pati na rin ibang kasamahan at kaibigan ng celebrity parents sa industriya ng showbiz.
Si Dianne at Rodjun ay ikinasal noong December 2019. Taong 2020 naman ng i-welcome nila ang kanilang first born child na si Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Ika-10 ng September ng ipanganak si baby Rodolfo Joaquin Diego Illustre III. Mapapanood naman sa kanilang vlog na ini-release sa channel ni Dianne ang mas detalyadong pasilip ng mga kaganapan sa araw na iyon.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram