Andrea Brillantes, ipinasilip ang kanyang ipinapatayong dream house na naging bunga ng kanyang pagtatrabaho

Kung mga goals sa buhay ang pag-uusapan, isa nga naman sa mga masasabi nating goals sa buhay na ating nais makamit ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Sa sipag, tiyaga at determinasyon, hindi imposibleng maisakatuparan at maabot ang mga pangarap natin gaya ng bahay at lupa.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Kaya naman, sa IG account ng sikat na teen actress na si Andrea Brillantes ay makikita ang nalalapit ng makumpleto na bahay. Ito ay ang bunga ng kanyang pagsisipag sa pangarap.

“Site visit of my soon-to-be home,” ayon kay Andrea.


Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Andrea sa taong 2019 dahil dumating ang mga mga show na talaga namang nagbibigay daan sa mas maraming blessings sa kanyang buhay.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Para sa akin po, ngayong taon nagpapasalamat ako na matutupad na ‘yung pangarap ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-artista kasi gusto ko po magkaroon na kami ng sariling bahay. Kaya nagpapasalamat ako na finally ngayong 2019 na ginagawa na ngayon. So hopefully by 2020 tapos na siya. So ‘yun ‘yung parang pinaka-blessing sa akin ngayon,” ayon kay Andrea sa kanyang interview.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Ang Kadenang Ginto ang siyang naging daan para maabot ni Andrea ang lahat ng ito.

“And siyempre ang Kadenang Ginto kasi hindi ko magagawa lahat ng ito kung hindi dumating ang Kadenang Ginto sa akin. Mas madami akong nakilalang tao. Meron akong mga naging family, meron akong naging kaibigan na totoo,” kwento ni Andrea.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

At ngayon, may bago ng goal si Andrea. Gusto niya ngayon na mag fully air conditioned ang kanilang bahay.

“… Kasi never ko pa po ‘yun nararanasan. Summer ng 2019 lang namin first time na nagka-aircon kami ever. So gusto ko talaga maranasan aircon ‘yung buong bahay. ‘Yung hindi na mainit,” pagbabahagi pa ni Andrea.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Karagdagan pa, ang pag nenegosyo din ang isa sa mga nais ni Andrea para sa taong 2020.

“Tapos gusto ko rin magkaroon ng business. Tapos gusto kong makapag-ipon kasi gusto kong makatulong sa mga taong nangangailangan,” dagdag pa niya.