Ang wais na misis na si Neri Naig, nakabili ng condo na bunga ng kanyang pagtitinda ng tuyo, kape, pantulog, at accessories

Isang bagong bahay ang ibinahagi ng aktres at negosyante na si Neri Naig. Makikita sa kaniyang Instagram post ang naipundar nitong condominium unit na aniya ay bunga ng kasipagan at pagsusumikap niya mula sa kaniyang pag o-online business.

Credit: Neri Miranda Instagram   

“Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po. Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online.. nakabili ng isang condo sa may tabing dagat.”

Hindi naman napigilan ni Neri na maging emosyonal at maging proud sa sarili mula sa kaniyang mga pinaghirapan.

Credit: Neri Miranda Instagram

“Sobrang proud ako sa sarili ko dahil pinaghirapan ko ang lahat ng mga nainvest ko. Nakakaiyak!”

Hindi lubos maisip ni Neri na ang simpleng pangarap lang niya noon, ay magsisilbing inspirasyon sa ibang tao na tulad din niyang nangangarap at nagsusumikap.

Credit: Neri Miranda Instagram

“Ang dami ko na palang “nabago” ang mga buhay sa pamamagitan ng pag inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon.”

Sa kabila nito, hindi naman nakalimutan ni Neri na pasalamatan ang Panginoon mula sa kanyang natanggap na biyaya at sa gabay na ibinigay sa kaniya.

Credit: Neri Miranda Instagram

“Thank you, Lord, sa lahat po ng blessings! Dati ay palagi po akong nagtatanong sa Inyo po kung bakit parang ang hirap naman ng buhay ko. Yun pala ay hinahanda Nyo po ako sa kung ano at meron po ako ngayon. Maraming salamat po, Lord, at di po Nyo ako sinukuan bagkus ay ginabayan Nyo po ako.”

Hindi man maitago ang kaligayahan na nararamdaman ni Neri ngayon sa bagong biyaya na kaniyang natanggap, patuloy pa din ang pagbibigay inspirasyon ng aktres para sa mga taong katulad niya na gustong umasenso rin sa buhay.

Credit: Neri Miranda Instagram

“Sa makakabasa nito, ikaw na ang susunod, wag ka lang susuko! Tulungan kita, magbenta tayo! Hahaha! Nagpromote pa ih! Seriously, kaya mo yan, wag kang susuko. Tandaan, ang bida ay nabubugb0g muna bago manalo, tingnan mo si FPJ, hehe! Bugb0g na hindi literal ha? Ibig kong sabihin, syempre mauuna ang hirap at sakripisyo bago mo makita at matikman ang success. Kanya kanyang time tayo, sa ngayon ako naman, it is my time to shine, hihi! Ikaw na ang next! Maniwala ka lang!❤️”