Angel Locsin, pinagsabihan ang ABS-CBN News dahil sa maling headline na nilabas tungkol sa kanya

Noong May 12, 2020 ay nakiisa si Angel Locsin sa mga kapwa artista na isinusulong na mapabalik sa ere ang ABS-CBN. Ginawa ang Kapamilya Facebook Live bilang isang paraan ng pagpoprotesta at pagpapaabot sa publiko ng hinaing ng mga sumusuporta sa Kapamilya network.

Credit: Angel Locsin Instagram

Kasama sa mga artista na nakibahagi noong gabing iyon sila Jodi Sta. Maria, Jaime Fabregas, Enchong Dee, Angel Aquino, Angelica Panganiban at Shaina Magdayao.

Credit: Angel Locsin Instagram

Higit dalawang minuto ang ibinigay na speech ni Angel sa Facebook live na yun. Maiksi lamang ang kanyang mensahe dahil nasabi na raw niya ang kanyang saloobin sa video na pinost niya sa kanyang social media pages.

Ito ang naging mahinahon at malinaw na mensahe ni Angel noong gabing iyon.

“Hindi lamang po ito makakatulong sa mga manggagawa ng ABS-CBN, kundi para po sa mga nag-aabang ng updates, sa entertainment, sa information, kung may kailangan po ng panawagan, kung may nawawalang bata, kung anuman po, kung may kailangan po ng tulong, kung ano pa.”

Credit: Angel Locsin Instagram

“Huwag ho sana nating kalimutan na ang majority po dito sa Pilipinas ay wala pa pong access sa mabilis na internet o internet mismo. Meron pa rin tayong mga kababayan na sa radyo pa po nakadepende, kabilang po diyan ang tatay ko na bulag.”

“Alam ko po na meron po tayong ibang network, but the more information and the easier access to information for everyone is better dahil alam ko po, alam po nating lahat na sa p@ndemyang ito, every second counts.”

Credit: Angel Locsin Instagram

“Humihingi po ako ng extension sa NTC para po meron po tayong time, ang ating pong Kongreso para po sa maayos na pagdinig at paglilitis. Wala pong VIP treatment dun. Again, kung may mali po ayusin po natin pero hindi po ang closure ang solusyon lalo na po ngayon sa panahon ng pandemya. Bigyan niyo po sana ng pagkakataon ang ABS-CBN na makapagpaliwanag at kung ano man ang pagkakamali ay ma-improve pa po.”

“Pero uulitin ko po, ang pagpapasara po ng network sa gitna ng p@andemya ay hindi po solusyon at hindi po makakatulong sa maraming Pilipino. Ayun lamang po.”

Matapos ng Facebook Live ay naglabas ng balita ang ABS-CBN News tungkol sa ibinahaging mensahe ni Angel Locsin at ang sinasabi sa headline ay: “Angel Locsin: Taking ABS-CBN off air puts public safety at risk during pandemic.”

Credit: ABS-CBN News Twitter

Tinawag kaagad ni Angel ang pansin ng ABS-CBN News at sinabing: “Fix your headline.”

Credit: Angel Locsin Twitter

Twineet din ni Angel na madalas talagang makaranas ang mga artista ng maling headline.

“Madalas na mabiktima ang mga artista rin sa mga maling headline sa halos lahat ng sumusulat.. especially tabloid 🙂 lahat”

Credit: Angel Locsin Twitter

Binura na ng ABS-CBN News ang naturang tweet at pinalitan na ang title ng artikulo tungkol sa naging speech ni Angel.