Angel Locsin, walang tigil sa pag-iyak matapos mabalitaan ang nangyari sa Kapamilya network

Noong May 5, 2020 ay lumabas ang nakakagulat na balita tungkol sa utos na pagpapasara ng abs-cbn network. Ito ay sa kadahilanan na napaso na ang prangkisa ng nasabing istasyon.

Credit: Angel Locsin Instagram

Mag-aalas otso ng gabi nang mag-sign off ang network.

Ang huling mensahe na ibinahagi ng network sa mga manonood ay:

“Maraming salamat po sa maraming taon na kami ay inyong pinatuloy sa inyong tahanan. Maraming salamat po sa maraming taon na ating pinagsamahan. Hanggang sa muli, Kapamilya.”

Maraming artista ang nalungkot sa nangyari at isa na dito si Angel Locsin.

Ayon sa kanyang soon-to-be husband na si Neil Arce ay nang malaman ni Angel ang balita ay walang tigil na ito sa pag-iyak dahil inaalala niya ang 11,000 na empleyado ng naturang network na nawalan ng trabaho.

Credit: Neil Arce Instagram

“Breaks my heart seeing her like this. Angel didnt renew her contract So technically she did Not lose her job. She’s been crying non stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs. We’ve been under ecq for 2 months now trying to save lives. Wala pang 10000 ang may c0v!d dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyong milyon na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick Information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito. NTC you are ev!l. How dare you take away 11,000 jobs. We Will remember this.”

Hindi rin nagpahuli si Angel sa paglalabas ng kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa kanyang Instagram at Twitter accounts.

Credit: Angel Locsin Instagram

“Para sa kapwa. Sa panahon na kailangan ng hanap buhay ng mga tao. Let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin sa lalo na sa panahong ito. To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo. Para sa #MalayangPamamahayag #NoToABSCBNShutdown”

Credit: Angel Locsin Instagram

“Sa lahat ng nagmamagaling at nagsasabi na “buti nga nagsara ang ABS”, sana masarap ang tulog ninyo ngayon gabi at nakapagbayad na ng bills. Sana rin masarap rin ang mga napamalengke ninyo na ipapakain sa inyong pamilya. Sana walang magkasakit na kailangan ipagamot at gastusan.”

Credit: Angel Locsin Instagram

“May 5, 2020. Araw na hindi malilimutan. Isang mahigpit na akap sa mga mahal ko sa ABS-CBN. mahigit 11,000 ang hindi makakatulog ngayong gabi”

Hanggang ngayon ay walang signal ang abs-cbn at ang ibang channel at radio station na under dito.