Angelica Panganiban, isinapubliko ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend!

Mistulang isang bukas na libro sa lahat ang buhay pag-ibig ng aktres na si Angelica Panganiban. Sa dami nga ng pinagdaanan niyang heartbreak ay tinagurian na siyang ‘hugot queen’ at ‘love guru’. Madalas ay takbuhan si Angelica ng marami para hingan ng payo tungkol sa pag-ibig. Magaling kasi si Angelica sa pagbibigay ng mga love advice na natutunan din niya mula sa kanyang personal na karanasan.

Credit: Angelica Panganiban Instagram   

Dahil dito ay marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para kay Angelica na mukhang nakatagpo muli ng lalaking magmamahal sa kanya.

Nitong January 1, ay masayang ibinahagi ni Angelica sa kanyang Instagram na hindi niya mag-isang sinalubong ang bagong taon dahil kasama niya ang kanyang special someone.

Ibinunyag ni Angelica sa pamamagitan ng isang Instagram post na ‘in a relationship’ ang status niya ngayon.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Isang litrato ang ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan ay kasama niya ang kanyang non-showbiz boyfriend.

“Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending,” ganito naman kung ilarawan ni Angelica ang lalaking idini-date niya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Wala namang gaanong detalye na ibinigay si Angelica patungkol sa kanyang buhay pag-ibig ngayon.
Hindi kita ang mukha ng lalaki na kasama ni Angelica sa larawan ngunit malakas ang hula ng maraming netizen na ang kasama ng aktres ay ang nali-link sa kanyang non-showbiz businessman mula sa Subic na si Gregg Homan.

Matatandaang unang lumabas ang balitang si Gregg ang nagpapasaya ngayon sa aktres matapos ma-spottan ng mga netizen si Angelica na nagkomento sa isang larawan nito sa Instagram.

“come home na”, komento ni Angelica sa larawan ni Gregg.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sweet naman na tugon ni Gregg, “Just a few more days Honn”

Base naman sa isang litrato na ipinost ng matalik na kaibigan ni Angelica na si Derek Andoy Ranay nitong January 2 ay kumpirmado ngang magkasama ang dalawa habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.

Makikita sa litratong ipinost ni Andoy sina Angelica at Gregg.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andoy Lastrilla Ranay (@andoyr1973)

Naka-tag din sa Instagram post ni Andoy ang Instagram account ni Gregg.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Gayunman, kahit marami nang ebidensya na si Gregg nga ang bagong nobyo niya ay wala pa ring opisyal na pahayag patungkol dito si Angelica. Mukhang hindi pa handa si Angelica na ikwento sa lahat kung paano nagsimula ang love story nila ni Gregg.

Samantala, masaya naman ang mga kaibigan ni Angelica para sa kanya.Kabilang sa kinilig at bumati kay Angelica para sa kanyang bagong relasyon sina Angel Locsin, Kim Chiu, Arci Muñoz at Bela Padilla.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Ang huling aktor na na-link kay Angelica ay ang kanyang on-screen partner na si Zanjoe Marudo. Gayunman ay mariing itinanggi ni Zanjoe ang mga balitang nagde-date sila ni Angelica at sinabing sila ay mabuting magkaibigan lamang.