Angelica Panganiban, tuluyan nang nagpaalam sa mga kasamahan sa palabas na Banana Sundae

Tuluyan na ngang nagpaalam ang comedy show na Banana Sundae na umi-ere sa ABS-CBN ng halos labindalawang taon. Ang dahilan ng pamamaalam ng show ay dahil sa pagpapasara ng gobyerno sa Kapamilya network.

Credit: Angelica Panganiban Instagram   

Noong May 28 ay nagpost pa si Angelica sa kanyang Instagram account ng letrato ng mga bumubuo ng Banana Sundae.

“Walang iwanan kabanana. Habang buhay tayo”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Kahapon naman ay tuluyan na ngang nagbigay ng mensahe si Angelica at inilabas ang malungkot na balitang pagwawakas ng show.

Ibinahagi niya ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa pangyayaring ito.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

“Halos labing dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao.. Sa pinaka unang pagkakataon,, kanina,, umiiyak tayong lahat.. Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat.”

Nagbigay din ng maiksing pahayag si Angelica tungkol sa pagpapasa sa Kapamilya network na tinuring nilang pangalawang tahanan.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

“Sa ganitong panahon, ito ang pinaka huli nating pwedeng maramdaman.. Ang mawalan tayo ng tahanan. Masakit.. Kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong. Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay. Masakit kasi, magwawatakwatak na tayo.”

Para naman sa mga basher nila, ito naman ang naging mensahe ni Angelica.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

“Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon. Pare parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban.. kung saan pa kami kukuha ng lakas.”

“Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to. Magkikita kita ulit tayo. Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho. Gusto namin ipaglaban ang pamilya namin. Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sinabi ng aktres na kung sa tuwing magsisimula ang show ay sumisigaw sila at nagtatanong kung okay ang kanilang audience, inamin niya na ang mga bumubuo naman ngayon ng show ang hindi okay.

“Pero kahit ganito,, lalaban kami. Magtutulungan kami. Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami. Palagi namin tinatanong sa simula ng show ang “okay ba kayo jaaaan”… Ngayon naman,, kami ang hindi “okay”..”

“Kaya naman… Hanggang sa muli na lang muna tayo mga kabanana. Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Hindi pa malinaw kung temporary lamang ang pamamaalam ng Banana Sundae o kung ito ay permanente na talagang hindi mapapanood sa telebisyon kahit na maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.