Ara Mina, engaged na sa kanyang boyfriend na si Dave Almarinez

Soon-to-be Mrs. Almarinez na si Kapamilya actress Ara Mina matapos siyang mag-‘yes’ sa wedding proposal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez.

Credit: Niceprint Photography & Exige Wedding Facebook     

Sa kanyang Instagram, masayang inanunsyo ni Ara ang kanilang engagement kalakip ng mga litrato na kinunan mula sa simple ngunit romantic wedding proposal ni Dave.

Ang surprise wedding proposal ni Dave ay naganap sa mismong city hall ng San Pedro, Laguna nitong January 12.

Credit: Niceprint Photography & Exige Wedding Facebook

Ayon kay Ara, “clueless” siya kung ano ang mangyayari noong araw na nag-propose sa kanya si Dave. Gayunman, sinabi ni Ara na dahil sa sorpresa ni Dave sa kanya ay mas naramdaman niya na siya ay mahal at pinapahalagahan.

Inihayag din ni Ara sa kanyang Instagram post ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil ibinigay Nito sa kanya si Dave na itinuturing niyang “sagot” sa kanyang mga panalangin.

Credit: Niceprint Photography & Exige Wedding Facebook

Pahayag ni Ara sa kanyang post, “Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life. Dave, thank you for being my answered prayer.”

Dagdag niya, “Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you!”

Credit: @therealaramina Instagram

Samantala, ipinahayag naman ni Dave ang kanyang labis na paghanga sa kanyang soon-to-be wife.

“I always admired you from the beginning – from all the things that you do for your family, to every single inch of kindness you give to others. You @therealaramina is God’s greatest gift to us,” sulat ni Dave sa kanyag post.

Credit: @therealaramina Instagram

Dagdag niya, “Thank you for standing by my side through all the joys and hardships. You inspire me to be at my very best everyday. You are my guiding light to conquer all my fears. Thank you for saying yes to build milestones together with me. Forever your number 1 fan… I love you, Hazel!”

Credit: @therealaramina Instagram

Si Dave ay tumatayo ngayon bilang President at Chief Executive Officer ng Philippine International Trading Corporation. Habang si Ara naman ay patuloy pa rin na napapanood bilang Ellen Padua sa ABS-CBN drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.