Baby Dahlia, kinagiliwan ng netizens habang sya ay enjoy na enjoy na kumakain ng “Adidas” o paa ng manok

Isa sa mga tatak Pinoy na pagkain ay ang mga street foods. Talaga namang napakasarap na food trip ang mga Pinoy street foods. Ilan sa mga iyan ay mga fish ball, kwek-kwek, kikiam, french fries at marami pang iba. Pero, kukumpleto sa mga listahan ng mga street foods ay mga ihaw-ihaw na pagkain.

Credit: Nolasco TV Facebook

Kapag nga naman ikaw ay kakain ng mga ihaw-ihaw, isa sa mga di mawawala dito ay ang paa ng manok o kadalasan ay tawag nila ay “adidas”.

Credit: Nolasco TV Facebook

At ito ngayon ang pagkain na nasa video ng anak ni Erwan at Anne na si Dahlia. Sa kanyang murang edad, nakakatuwa na ineexpose siya ng kanyang mga magulang sa iba’t ibang klase ng pagkain.
Sa video, mapapanood si Dahlia na kausap ang kanyang ama. Sa kanyang pagkain, tila bago sa kanyang paningin ang chicken feet na kanyang pagkain.

Credit: Nolasco TV Facebook

Tanong tuloy ni Dahlia,
“Is this a hand, Papa?”

Credit: Nolasco TV Facebook

Nakakatawa ang tanong ni Dahlia. Napakainosente ni Dahlia sa kanyang tanong dahil talagang mukha namang kamay ito. Nagtataka talaga si Dahlia kung kinakain ba talaga ito. Pero, nang sabihin ng kanyang daddy ay tinikman niya ito.

Credit: Nolasco TV Facebook

 

Mas nakakatawa ang reaction ni Dahlia matapos niyang tikman ito. Sarap na sarap naman si Dahlia sa kanyang natikman kahit pa tila nag-iisip kung kinakain ba talaga ito.

Credit: Nolasco TV Facebook

Nakakabilib nga naman dahil hindi pinapalaking maarte ni Anne at At Erwan ang kanilang anak. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na tuwang tuwa kay Dahlia.

Credit: Nolasco TV Facebook

“Because it actually looks more like a hand than a foot!! Galing mo Dahlia!!!”

“Wow she so cute and she eat everything not same of the other kids so proud of u baby dahlia”

“Hahahahha….so adorable Little Dahlia. Erwan is a good cook. Lucky Anne Curtis and Her daughter. Hats off Erwan. Dahlia grows up sooò simple , loving and kind daughter. ❤️”