Baby nina Joem Bascon at Meryll Soriano, 6 months na!

Matatandaang kamakailan- lamang nang ginulat ni Meryll at Joem ang publiko sa pakikipag- balikan nila sa isa’t isa pagkatapos ng ilang buwan na pananahimik.

Ibininunyag ni Meryll ang magandang balita noong New Year’s eve nang magbahagi ito ng larawan ng kanilang family picture kasama si Joem, ang kanyang 13-year old na anak na si Elijah at ang isang bagong silang na sangg0l na karga- karga pa niya.

karoon ng relasyon ang dalawa noong 2008. Napagdesisyunan ng mga ito na ituloy ang naudlot na pagmamahalan kahit lagpas isang dekada na ang lumipas.

Credit: Meryll Soriano instagram
Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na nina Meryll ay Joem ang kanilang plus one sa buhay at eto ay ang kanilang baby boy ni Joem. Simula nang ibahagi ni Meryll ang magandang balita sa publiko ay unti- unti na nitong binubuksan sa publiko ang buhay nila ng kanyang pamilya.

Credit: Meryll Soriano instagram

Sa mga Instagram post ni Meryll sa kanyang sariling account ay madalas ito kung magbahagi ng kanyang motherhood journey at mga baby pictures ng kanyang anak ngunit nitong Marso lamang naging handa talaga si Meryll upang ilantad ang mukha ng anak sa publiko.

Credit: Meryll Soriano instagram

Mapapansin sa mga Instagram post ni Meryll na hindi nakakaligtaan ng pamilya nito ang ipagdiwang ang bawat buwan na lumilipas kasama ang kanilang bundle of joy. Bawat buwan ay nagpopost si Meryll ng mga family pictures at na may kasamang cake para sa panibagong buwan.

Credit: Meryll Soriano instagram

Nitong Hunyo 18 ay nagpost muli si Meryll sa kanyang Instaram post ng family pictures nila ng kanyang pamilya upang ipagdiwang ang ika- anim na buwan ng kanilang baby boy.
“Halfway to One” ayon sa caption ni Meryll na simpleng- simple lamang pero mararamdaman ang kasiyahan ng kanilang pamilya habang kinukunan sila ng letrato.

Credit: Meryll Soriano instagram

Sa mga letratong ibinahagi ni Meryll ay mayroong hawak- hawak na puting cake si Joem na may nakalagay na ½ na kulay gold sa itaas habang ang mga ito ay nakasuot ng matching checkerd na damit.

Credit: Meryll Soriano instagram

Kumpleto sa mga letrato ang pamilya ni Meryll dahil kasama rin mismo rito ang kanyang 13-year-old na anak na si Elijah kaya naman masasabing maganda ang relasyon ng mga ito sa isa’t isa at mararamdaman ang kanilang saya dahil buo ang kanilang pamilya.

Credit: Meryll Soriano instagram

Sa mga pictures ay makikitang nagkukulitan ang mga ito at close na close sa isa’t isa at talagang one big happy family.