Barbie Imperial, walang paglagyan ang kaligayahan dahil sa bonggang sorpresa sa kanya ni Diego Loyzaga

Hindi pa man araw ng mga puso ay todo effort na ang aktor na si Diego Loyzaga para pasayahin ang kanyang nobya na si Barbie Imperial. Trending online ang sorpresang inihanda ni Diego para kay Barbie na talaga namang napaka-sweet at romantic.

Credit: Barbie Imperial Instagram    

Walang paglagyan ang kaligayahan ni Barbie matapos bumungad sa kanya ang romantic set up na inihanda ni Diego para sa kanya. Kung effort lang ang pag-uusapan ay siguradong waging-wagi na si Diego.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Ginawang magical at romantic ni Diego ang kwarto ni Barbie. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Barbie sa Instagram kung gaano nag-effort si Diego para pasayahin siya. Bumungad sa “Bagong Umaga” actress ang mga white rose petal na ikinalat sa sahig at kama, mga LED fairy light at kandila na nagbibigay ng romantic vibe sa kanyang kwarto, mga puting balloon at mga polaroid picture nila ni Diego.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Halos walang masabi ang napakagandang aktres sa pagiging ma-effort at sweet ni Diego bilang nobyo. Talaga namang parang isang prinsesa si Barbie kung ituring ni Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial)

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang inihandang sorpresa ni Diego para kay Barbie. Marami ang napa-sana all at humiling na sana ay may isang “Diego Loyzaga” din sila sa kanilang buhay na mag-eeffort nang bonggang-bongga para sa kanila. Komento nila:

Credit: Barbie Imperial Instagram

“GRABEEEEEEEE PO YONG DIEGO @diegoloyzaga LAKAS! GRABE MAKA SURPRISE AT MAG EFFORT! NAG IISA KA..IBANG LEVEL NGA TALAGA! THANK U FOR MAKING OUR QUEEN BARBIE HAPPIEST IN WHOLE GIRLS RIGHT NOW.”

“Ang atin pong itutugon: SANA OL”

“WOWERZ!!! HAPPY FOR U SANA ALL HUHU”

“Grabe Valentines Day na ba?”

Credit: Barbie Imperial Instagram

“You’ll find someone talaga na will know your worth. And how to treat you right Happy for you Barbie! Napakasweet naman!”

Noong Bagong Taon ay opisyal na inanunsyo ni Diego ang relasyon nila ni Barbie.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ni Diego si Barbie dahil ginawa umano nitong “memorable” ang pagtatapos ng kanyang taon.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Samantala, inamin naman ni Barbie na hindi niya inaasahang mahuhulog siya kay Diego na itinuturing niyang matalik na kaibigan.

Gayunpaman, masayang-masaya si Barbie dahil pareho niyang nahanap kay Diego ang isang kaibigan at kasintahan.