Baron Geisler, ibinahagi ang kanilang nakakatuwang family picture

Buwan na ulit ng Disyembre, at ngayon ang pinakamasaya at inaabangang buwan ng taon. Lumalamig ang simoy ng hangin at sumisigla ang paligid sa mga kumukuti-kutitap na mga ilaw.

Credit: @baron.geisler Instagram

Isa lang ang ibig sabihin niyan, parating na ang kapaskuhan. Ang panahon ng Kapaskuhan ang siyang nagbibigay saya at sigla sa bawat isa. Tuwing Pasko, nakikita natin ang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Sa latest post ng aktor na si Baron Geisler, mukhang ready na siya sa paparating na Pasko. Tila isang Christmas shoot ang kanyang inupload sa Instagram kasama ang kanyang may bahay na si Jamie Marie Evangelista Geisler.

Credit: @baron.geisler Instagram

“It’s the most wonderful time of the year again. Jesus, may our love for you be constant in all seasons! ✨️,” caption ni Baron sa kanyang IG post.

Makikita si Baron at Jamie na nakasuot ng napakagandang white sleeves at white dress. Background ng kanilang napakasweet na larawan ay ang Christmas-themed na ambience.

Credit: @baron.geisler Instagram

Sa post ni Baron, makikita sa comment box ang kanyang mga shinare na mga bible verses. Isa sa mga nakatulong kay Baron sa kanyang rec0very process ay ang Panginoon, napalapit siya sa Panginoon kaya naman mas gumanda ang kanyang buhay.

“Me and Jamie need this the most. We are not a perfect couple but we have a perfect God who strengthens us in our ups and downs. God heals. Only by His grace. Less of us more of Him,” patuloy ni Baron.

Credit: @baron.geisler Instagram

Malaking pagbabago ang ating nakita kay Baron. Wala nga namang imposible sa Panginoon dahil talagang siya ang may kapangyarihan na makapagpapabago ng ating mga buhay. Kaya naman, masayang masaya si Baron sa kanyang buhay ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Credit: @baron.geisler Instagram

Narito ang mga komento ng mga netizens.

“Great picture ❤️ congrats Baron idol 💕 great family. keep up the amazing work🙏💞God bless”

“Wow family bonding have a wonderful time to your family…”

“Absolutely precious! Nice familyGreat picture ❤️”