Bea Alonzo, nakatanggap ng sweet na regalo mula sa kanyang nobyo na si Dominic Roque

Kilala nating lahat ang magaling na aktres na si Bea Alonzo. Ilang beses man nakaranas ng heart break si Bea mula sa kanyang mga past relationships, masaya na ngayon si Bea sa kanyang one and only na si Dominic Roque.

Credit: @beaalonzo instagram

Marami ang kinilig at syempre suportado sa kanilang pag-iibigan. Lahat ay talagang naka abang sa kanilang love story. Bagamat may nakikita na noon na mga pictures na magkasama, di nila ito agad inamin.

Credit: @beaalonzo instagram

Hanggang sa opisyal na nilang sinabi sa publiko na sila ay officially together na. Sana all, di ba?
Kaya naman, ngayong kaarawan ni Bea ay mayroong sorpresa si Dom sa kanyang pinakamamahal.

“Happy Happy Birthday Hunn…♥️ i love you ?,” pagbati ni Dom.

Credit: @beaalonzo instagram

Makikita sa post ni Dom ang binigay din niyang cake at bunch of roses para kay Bea. Ang haba nga naman ng hair ni Bea. Talagang mapapa wish ka na lang ng isang Dominic sa buhay mo.

Samantala, bukod kay Dom ay napakarami ding nagmamahal at sumusuporta kay Bea. Sa isang video, mapapanood ang iba’t ibang mga greetings ng kanyang mga ka trabaho para kay Bea.

Credit: @dominicroque instagram

Isa sa mga nabigla siya ay ang dati niyang boss sa ABS-CBN na si Carlo Katigbak. Tuwang tuwa si Bea sa surprise message at question na ito. Talagang makikita ang labis na saya sa kanya.

Buo na nga naman ang kaarawan ni Bea. Mula sa pamilya, kaibigan, katrabaho at syempre sa kanyang love life.

Narito ang mga greetings ng mga netizens sa kanya:

Credit: @dominicroque instagram

“Happy birthday miss Bea godbless both and more blessings to come”
“Happiest birthday? Wish you all the best & Happiness in life with your love one?”

“happy birthday wish you both long last for ever
God bless you..”

Credit: @dominicroque instagram

“You really deserve that kind of love❤ happy birthday?”
“Happy birthday Bea A. God bless you and stay safe and healthy ❤️”