‘Bossing’ Vic Sotto, todo-bigay sa pag-TikTok kasama ang asawa at anak

Hindi nagpahuli si Bossing Vic Sotto sa mga nauusong TikTok dance challenge ngayon sa social media.Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng netizens ang TikTok dance video na ginawa ni Vic kasama ang asawang si Pauleen Luna.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

 

Sa Instagram ni Pauleen ay ipinost nito ang TikTok dance video nilang mag-asawa.
Mapapanood ang paghataw ni Vic sa kantang “B00m, B00m, B00m, B00m!” ng Vengaboys sa pangunguna na rin ni Pauleen.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Kung si Pauleen ay kabisadong-kabisado ang choreography ng kanta ay kapansin-pansin naman na medyo nahirapan ang “Eat Bulaga” host sa pagsayaw.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Gayunpaman, hindi nagpakab0g sa pagsayaw si Vic at kahit medyo hindi perpekto ang mga step ay bigay-todo ito sa pagsasayaw.

Talo pa ni Vic ang bagets dahil sa ipinakitang energy nito sa pagsasayaw.
Samantala, sa pangalawang video na inupload ni Pauleen ay naki-join na rin ang kanilang anak na si Baby Talitha Maria.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Suot ang kanyang cute ballet dress ay game na game si Tali sa pagsasayaw.
Agaw-pansin naman ang “nunal” na nakalagay sa mga mukha nina Pauleen, Vic at Baby Tali.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Mas naging nakakatuwa tuloy tingnan ang pagsasayaw ng magpamilya dahil sa malaking nunal na inilagay nila.Sa caption, ay sinabi ni Pauleen na mahal na mahal umano niya si Vic dahil pumapayag itong gawin ang mga kalokohan niya.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Aniya,”I super love my husband for doing cr@zy things with me “Kwento pa ni Pauleen na ginawa umano nila ang TikTok dance challenge para sa opening number ng “Eat Bulaga”.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Ani Pauleen, “🤪🤪🤪 Sh0t this “tiktok” for Eat Bulaga’s opening number today!”Pinusuan naman ng maraming netizen ang TikTok dance video ni Vic kasama ang kanyang mag-ina.
Bumuhos din ang iba’t ibang komento mula sa netizens.

Source: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

“Hahaha. Kaya naman bumabata talaga si bossing gawa ni poleng at lalo na ang cute na cute na si tali. Go, tali!!!! Talunin mo sa sayawan si mommy at daddy. Hehehe..”

“hahaha kay bossing ako nakatutok kanina marunong pala sumayaw c bossing”
“I LOVE THIS!!!! Bossing na bossing kahit sa TikTok!!!””My favorite fambam! more videos to come like this one.nakakagood vibes””Galing nman ni bosing.at syempre ang kanyang mentor na c miss pauleen😍😘”