Bunsong anak ni Bangs Garcia na si Baby Isabella, nagdiwang na ng kanyang 1st birthday

Sino nga ba ang hindi nakaka-miss sa dating magaling na aktres at sexy na artista na si Valerie Garcia o mas kilala bilang sa stage namen nitong Bangs Garcia mula nang gumanap ito bilang Bangs sa isang TV sitcom noong 2006 na may pamagat na ‘Let’s Go’.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Simula noon ay mas nakilala ng mga netizens at viewers ang galing ni Bangs sa pag-arte at pati na rin sa kanyang tinatanging natural na ganda kaya naman hindi maiiwasang marami itong nagi tagahanga noon. Hindi nag-tagal ay nakilala ni Bangs ang kanyang tinuturing na ‘the one’ at ito ay ang asawa nitong Filipino-British na si Lloydi Birchmore.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Nakilala ito ni Bangs noong 2015 at ibinahagi ang balitang engage na ang mga ito noong 2016 sa ginanap sa Boracay kung saan unang nagkita ang mga ito at ikinasal naman ang mga ito noong 2017.
Matapos naman ang ilang buwan nang ikasal sina Bangs at Lloydi ay ipinanganak na ng dating aktres ang kanyang unang anak at ito ay isang baby girl at ipinangalanan nila ito bilang Baby Amelia.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Ilang taon ang lumipas at nasundan na ang panganay na anak nina Bangs noong Hulyo 2020 at isa rin itong healthy baby girl at ipinangalanan nila ito bilang Baby Isabella. Masayang-masaya ang mag-asawang Bangs at Lloydi dahil parehong babae ang kanilang anak na parehong nag-mana sa kanyang taglay na kagandahan.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Mabilis nga naman talaga lumipas ang panahon at nitong Hulyo lamang ay ipinagdiwang na ng Birchmore family ang first birthday ni Baby Isabella. Kamakailan-lamang ay nag-bahagi ang aktres ng sa kanyang Instagram account ng maraming letrato ni Baby Isabella upang ipagdiwang ang first birthday nito.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Makikita sa mga letrato kung gaano ka-cute si Baby Isabella sa suot nitong pink dress habang suot-suot ang magandang korona. Tila ba’y nagmukha itong anak ng isang prinsesa dahil sa gandang na-mana niya mismo sa kanyang ina dahil kahit one-year-old pa lamang ito ay makikita at mapapansin na ang taglay nitong natural na ganda.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Sa bawat letrato ay overloading cuteness ang hatid ni Baby Isabella sa madla kaya naman maraming netizens ang natutuwa sa bawat pose na ibinida nito sa mga letrato. Siyempre hindi mawawala sa mga ibinahaging letrato ni Bangs ang kanyang sweet na mensahe para sa unang kaarawan ng kanyang bunsong anak.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Hindi lamang lumalaki bilang isang magandang bata si Baby Isabella dahil lumalaki rin ito bilang mabuting bata kaya naman labis ang saya at pasasalamat ng kanyang magulang. Ibinahagi rin ni Bangs sa kanyang caption ang mga dasal nito para sa bunsong anak.

“I pr@y that G0d will alw@ys guide y0u with His light, fill your life with joy, love & g00dness; make your future bright, keep you h3althy and pro0tect you for3ver.” Dagdag pa nito.