Carlo Aquino, isa nang proud daddy at ipinakilala na sa publiko ang kanyang napaka-cute na baby

Isang ganap na ama na ang aktor na si Carlo Aquino matapos isilang ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza ang kanilang napaka-cute na anak na pinangalanan nilang Enola Mithi.

Credit: Carlo Aquino Instagram     

Sa Instagram ay ibinahagi ni Carlo ang larawan ni Baby Enola Mithi.

Mukhang simula ngayon ay magiging sentro na ng mundo ni Carlo si Baby Enola Mithi. Isang linya kasi mula sa sikat na kanta ni Rico Blanco na “Your Universe” ang ginamit na caption ni Carlo sa kanyang IG post.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Aniya, “You can thank yours all you want but I’ll always be the lucky one- Blanco”

Sa Instagram story naman ni Trina ay nagpost siya ng letrato ni Carlo na karga-karga ang kanilang baby. Sa caption ay sinabi ni Trina na, “thank you love for taking care of me and mithi. hindi ko akalain na aalagaan mo kami ng ganito. Mahal ko kayo ng anak natin.”

Credit: Trina Candaza Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para kina Carlo at Trina mula sa mga kasamahan ni Carlo sa showbiz.

“Congrats nak,” sabi ni Sylvia Sanchez.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Komento ng actress at TV host na si Ria Atayde, “Aaaaah yaaaaay congrats brother bear!!!!”

Ani ng aktres na si Sue Ramirez, “Congrats kuya!!!!”

Nag-komento rin ang kapwa niya bagong Daddy na si Rodjun Cruz. Saad ni Rodjun, “Congratulations brother Carlo”

Credit: Trina Candaza Instagram

Sabi naman ni Gladys Reyes, “Happy for you my little brother.”

Nagpahayag din ng kanilang pagbati ang iba pang artista. Kabilang dito sina Ejay Falcon, Dionne Monsanto, Ara Mina, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.

Umugong ang mga balitang nagdi-date si Carlo at si Trina noong January 2019.

Credit: Trina Candaza Instagram

Samantala, kinumpirma ni Carlo ang kanyang relasyon sa kanyang napakagandang non-showbiz girlfriend na si Trina nang mag-guest siya sa Kapamilya talk show na “Tonight with Boy Abunda” noong nakaraang taon.

Credit: Trina Candaza Instagram

February ngayong taon nang sabihin ni Carlo sa isang interview na mukhang nahanap na niya ang kanyang “the one” at nag-iba ang pananaw niya sa buhay simula nang naging sila ni Trina.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Sumikat si Carlo bilang singer at child star sa telebisyon. Nakikilala rin siya dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Naging miyembro si Carlo ng youth oriented program noon na Ang TV at sikat na teen program na G-mik. Maraming pelikula ring pinagbidahan si Carlo kagaya ng Exes Baggage (2019), Meet Me in St. Gallen (2018), Baler (2008), Ang Tanging Ina (2003) at Bata, Bata….Pa’no Ka Ginawa? (1998).