Carlo Aquino, masayang nagdiwang ng kanyang ika-36 taong kaarawan kasama ang kanyang partner na si Trina Candeza at anak nilang si Enola Mithi

Kailan lamang nang mag celebrate ng birthday ang isa sa mga kilalang aktor sa henerasyon noon hanggang sa henrasyon ngayon na si Carlo Aquino. Ipinasilip niya naman sa pamamagitan ng isang Instagram post ang naging kaganapan sa kanyang espesyal na araw.

Credit: Trina Candeza instagram

Napakasimple lang ng naging birthday celebration ni Carlo, ang makikita lamang sa kanyang post ay ang mga pictures niya kasama ang kanyang napakacute na baby girl na si Enola Mithi na first born child nila ng life partner niyang si Trina Candaza.

Credit: Trina Candeza instagram

Makikita sa mga pictures na nakaupo ang birthday celebrant habang ang anak niya namang si Enola ay nakatayo sa kanyang legs. Naka-pink dress pa ang baby girl at kikay na kikay ang kanyang dating. Sa huling picture ay tila kinikilig pa siya habang nakatingin sa kanya ang kanyang celebrity dad.

Credit: Trina Candeza instagram

Sa harap naman nila ay isang table kung saan nakapatong ang cake ni Carlo na punong puno ng mga berries na toppings. May malaking birthday card din ang nakapatong dito na may message na “Happy Birthday Mr. Carlo Aquino”

Credit: Trina Candeza instagram

May caption ang post na “Thank you to my @beautedermcorporation fam.. salamat sa food chi @missrheatan” Pinasalamatan niya ang mga taong hindi nakalimutan ang kanyang birthday at nag effort pa na magpadala ng mga pagkain.

Credit: Trina Candeza instagram

Sa comment section naman ay mababasa ang mga birthday greetings ng mga netizens sa kanya pati na rin ng iba pa nyang kasamahan sa industriya ng showbiz. Kitang-kita naman ang saya ni Carlo sa mga pictures kahit simple lamang ang mga naging kaganapan sa kanyang birthday. Ito ang unang birthday niya na kasama ang anak na si Enola.

Credit: Trina Candeza instagram

Mapapansin rin sa picture na ang laki na ni Enola. Nitong September lang din nang i-celebrate ang kanyang 1st birthday. Ilang araw pagkatapos ng birthday ng aktor ay ang birthday naman ng kanyang anak.

Credit: Trina Candeza instagram

Hindi rin naman pinalampas ng kanyang life partner ang espesyal na araw na iyon. Binati ni Trina si Carlo sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang mga captured moments nila at isa ring throwback photo nito.

Credit: Trina Candeza instagram

Mababasa sa caption ang kanyang birthday greeting para sa aktor. “Happy Birthday to the love of my life and favorite enemy! ❤️‍? I love you! P.S. Pwede ka uli mag ride next week, pero kasama ako ?” ang sabi niya. Si Carlo Jose Liwanag Aquino ay naging ganap na 36 years old noong nakaraang September 3.