Coleen Garcia at Billy Crawford, nagkaroon photosh00t kasama si Baby Amari Jaden

Isa sina Coleen Garcia at Billy Crawford sa mga celebrity couple na naging ganap na mga magulang ngayong taon.

Kamakailan lamang ay pinusuan ng maraming netizen ang bagong family pictures na ibinahagi ng first-time parents sa kanilang social media accounts.
Kasama ang kanilang napakagwapong anak na si Baby Amari Jaden ay sumabak sa isang photo shoot sina Coleen at Billy.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Coleen ang mga larawan ng ginawa nilang photo sh00t.
Matching white tees ang suot ng celebrity couple at ng kanilang panganay na anak.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa mga larawan ay kitang-kita ang napakagandang ngiti nina Coleen at Billy.
Kapansin-pansin din sa mga larawan ang pagkakahawig ni Baby Amari sa kanyang Mommy Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa caption ay sinabi ni Coleen na, “Family is everything ❤️”
Komento naman ni Billy sa IG post ng kanyang asawa, “Super mom! I love you!”
Nag-post din si Billy sa kanyang Instagram ng ilang larawan nilang magpamilya na kinunan mula sa parehong photo shoot.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Makahulugan naman ang naging caption ng TV host-singer sa kanyang IG post.
Aniya, “In life we go through difficulties, having a blessed family makes all the strvggles worth fight!ng for!”

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Dagdag ni Billy, “Everything I will do from here on end is for my son and the strongest woman I know @coleen my beautiful wife! I love you so so much! 😘”

Matatandaang noong September 26, sa online late-night talk show ni ‘Unkabogable Star’ Vice Ganda na “Gabing Gabi na Vice”, ay inamin ni Billy na mas lalo niyang minahal si Coleen nang makita niya itong manganak ng walang gamot pampamanhid o anesthesia.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Ani Billy, “‘Di ba sinasabi nila ‘pag nagkaroon ka na ng anak magbabago ang buhay mo, et cetera? Hindi eh. Kapag nakita mo ang asawa mo na manganganak, na walang gamot na pang-pamanhid o kahit ano, trust me…babago ‘yong pananaw, babago ‘yong buhay [mo]. Mamahalin mo siya nang todo-todo. Gagawin mo lahat.”

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Ikwenento rin ni Billy noon na sobra-sobra ang respeto niya sa kanyang asawa.
“‘Yung disiplina niya as a pregnant woman. Kung ano talaga ‘yung bawal, iniiwasan. ‘Yung attitude niya parang naging motherly. I respect her more,” saad ni Billy kay Vice.

April 20, 2018 nang ikasal sina Coleen at Billy sa isang beach wedding.
May ngayong taon naman ay inanunsyo ni Coleen ang kanyang pagbubuntis.
Nitong September 10 lamang ay ipinanganak ni Coleen sa pamamagitan ng water birth ang kanilang unang anak ni Billy.