Coleen Garcia Crawford, ikwinento ang mga nakakatawang nangyari sa kanila bago niya ganap na isilang si Baby Amari

Bago pa man matagumpay na isilang ni Coleen Garcia ang kanilang first baby boy ni Billy Crawford ay may mga nakakatawang kaganapan muna ang nangyari sa bahay nila.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Masayang binahagi ni Coleen sa kaniyang Instagram account, ang mga larawan na kuha mismo sa kaniyang naging water birth at ang pagdating ng kanilang “Beautiful Amari”.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Ngunit bago pa man mailabas ni Coleen si Amari ay ibinahagi nito sa kanyang Instagram story na nagpipictorial sila ni Billy ng mga bagong bili nilang appliances para sa bahay. Nakalagay pa sa letrato ang caption na, “my water was already breaking. lol”.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Dinagdag ni Coleen na kahit pumutok na ang kanyang panubigan ay tuloy-tuloy pa din sila sa pagpicture.

“pero tuloy pa rin picture.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Bukod pa sa pangyayaring ito  ay may isang larawan na pinost si Coleen na tila’y ikanatuwa ng mga netizen. Ito ay ang letrato na kitang-kita ang naging reaksyon ng three-year-old Chihuahua ni Coleen na si Summer o mas kilala sa palayaw nito na Tamomo.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng iba, na si Coleen at Billy ay mga pet lovers at isa sa kanilang mga inaalagaang aso ay ang itinuturing nilang “prinsesa” na si Tamomo.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Mula sa naging reaksyon ni Tamomo sa naturang larawan, ay kapansin-pansin naman ang tila’y malungkot at nagseselos na reaksyon nito habang nakatingin kay Billy na karga-karga si Baby Amari.

Ikwinento ni Coleen na habang nagpipictorial sila ng mga bagong biling gamit ay ipiwinesto nila si Tamomo na nakaupo sa ibabaw ng bagong biling microwave. Marahil dahil na rin sa biglang pagputok ng panubigan ni Coleen at dahil sa pagiging abala sa pag-aasikaso sa panganganak nito ay nakalimutan na rin nila asikasuhin si Tamomo at naiwan nila ito sa itaas ng microwave.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“and btw we forgot all about @ms.tamomo”

Maraming netizen naman ang nagbigay ng kanilang kumento patungkol dito, na maaring iyon nga ang naging dahilan ng pagiging malungkot ni Tamomo sa naturang larawan.

“Ate Momo bat ganyan ang tingin mo kay Baby Amari at Daddy Billy mo 😊❤️”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“Mukang jelly yung aso. 😂”

“Na notice ko lang po yung face ng dog ninyo @billycrawford @coleen parang may selos hehehe cute”

“The look on that puppy’s face just watching the new baby and dad. So adorable 🖤”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Matapos nito, makikita naman na tila’y na-stress din si Tamomo sa naging panganganak ni Coleen.

“Caption this. Hehe it was a stressful day for me, watching mommy give birth. Love, #summerhuahua”