Coleen Garcia, ibinahagi ang nakakatawang litrato nilang dalawa ng kanyang anak na si Amari

Sa isang Instagram post ni Coleen Garcia Crawford ay makikita ang larawan nya kasama ang anak na si Baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Cuteness overload nga naman talaga sa tuwing makikita kasama ng kanyang magulang itong si Baby Amari, at ngayon ay napatunayan na ito ay talaga nga namang spotlight baby dahil pag naririyan sya ay talagang di ka makaka get over sa cuteness nito.

Credit: @coleen Instagram

Sa larawan ay makikita nag ti-take ng mga larawan si Coleen, habang si Baby Amari ay makikita ang likot at kulit na talaga nga namang huling huli sa bawat pitik ng camera, “My daily dose of kulit” sabi pa ni Coleen sa kanyang post.

Credit: @coleen Instagram

Marami naman sa mga kilalang personalidad ang di naiwasang di mag komento sa mga larawan na naipost ni Coleen, “Tangkad na!” sabi ni Jugs Jugueta ng Itchyworms, Haha emoji naman ang ikinomento ni Jay R.

Credit: @coleen Instagram

Hindi naman nag pa huli si Billy Crawford at nag komento din ito, “Hahahaha so cute” sabi pa nya.
Tunay nga na wala tayong palag sa mga cute na mga akto ng mga bata na talaga namang nagiging dahilan ng mga magulang para ngumiti at mag enjoy sa buhay.

Credit: @coleen Instagram

Ang mga bata ay nagiging paalala sa atin na ayos lang maging walang muwang at unti unting matuto na may bukas na puso.

Ang mga magulang ni Amari na sila Coleen at Billy ay talaga nga namang sinusulit ang mga oras na bata pa ang kanilang anak at sinisiguro na minamahal nila ito ng tama.

Credit: @coleen Instagram

Si Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford o kilala bilang Coleen Garcia ay isang Filipino actress, host, at model. Si Coleen ay nag simula ng kanyang career noon bata pa hanggang mag dalaga at makikita na sya sa mga ilang commercials.

Credit: @coleen Instagram

Samantala si Billy Crawford ay isang Filipino-American actor, musician, singer, dancer, comedian and television host na nakapag released na ng 7 studio albums.

Credit: @coleen Instagram

Nakapag host sya sa ilang talent shows ng ABS-CBN gaya ng Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines at naging judge ng World of Dance Philippines at Your Moment.