Coleen Garcia, ibinida ang kanyang 2 months postpartum body

Maraming bagay tungkol sa katawan at hitsura ng isang babae ang nababago matapos niyang magbuntis at manganak. Isa na rito ang pagdagdag ng kanilang timbang. Kung minsan maraming kababaihan ang nahihirapan na magbawas ng timbang matapos nilang manganak. Marami naman ang bumabalik sa dati ang kanilang timbang ngunit maaaring umabot ng ilang buwan o taon.

Kaya naman hindi mapigilang humanga ng mga netizen nang makita nila ang postpartum body ng aktres na si Coleen Garcia.

Credit: @coleen Instagram    

Kapapanganak lang kasi ni Coleen sa panganay nila ni Billy Crawford na si Amari Jaden nitong September 10, at makaraan ang mahigit 10 linggo ay kapansin-pansin ang mabilis na pagbawas ng timbang ng aktres.

Nitong November 20 ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng isang larawan kung saan ipinakita niya ang kanyang postpartum body. Napansin ng karamihan ang s3ksing pangangatawan ni Coleen. Kahit na maraming nagbago sa katawan ni Coleen dulot ng kanyang pagbubuntis, hindi naman nawala ang s3xy figure nito. Kita rin sa letrato ang abs ng aktres.

Credit: @coleen Instagram

Sa caption, ibinahagi ni Coleen ang kanyang daily routine ngayon na isa na siyang ina. Kwento ng aktres, “Doing things 30min at a time while keeping my eyes glued to the baby monitor—all part of my new normal🙃”

Dagdag niya, “Also managed to put leggings on for the first time since my first trimester lol”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang kanyang i-pinost na larawan. Komento ng netizens:

Credit: @coleen Instagram

“Wow. after i gave birth my body wasnt like that!!! Hard work really pays off!”

“Grabe parang Hindi nanganak sexy na ulit amazing”

“so fit and beautiful! our inspiration”

“Woaah i gave birth 4 months ago but my tummy wasn’t like that…life is so unfair”

Credit: @coleen Instagram

“ayyy may abs parin! huhuhu! sana all!”

Samantala, noong nakaraang September ay inamin ni Coleen sa isang Instagram story na napaka-challenging para sa kanya na dumaan sa postpartum recovery at pagbi-br3astfeed ng sabay.

Credit: @coleen Instagram

Aniya, “I knew postpartum recovery was not gonna be easy & I knew breastfeeding was gonna be challenging, but wow, I never anticipated how hard it would be to go to through both at the same. I wish I could be stronger ASAP & move around better. It’s been a tough few days, but also incredibly rewarding.”

Lubos din ang pasasalamat ni Coleen sa asawa niyang si Billy na nasa tabi niya sa buong proseso ng kanyang panganganak at postpartum recovery.

Credit: @coleen Instagram

Ani Coleen, “I’m at my worst vulnerable right now, but you always remind me that what you see, is my strength and not my weakness.”