Coleen Garcia, nagshare ng video kung saan sabay na gumagalaw ang kanyang baby bump habang kinakantahan ni Billy Crawford

Iba ang pakiramdam ng may paparating na isang dagdag sa pamilya. Ito ay may halong kaba pero mas madalas ang dala nito ay kasiyahan. Ang pagdadalang tao ay isang biyaya na talaga namang dapat ipagpasalamat dahil hindi lahat ay napagkakalooban ng ganitong biyaya.

Iba din ang excitement ng soon-to-be parents na iniisip na kaagad kung ang anak ba nila ay lalake o babae. Maging ang itsura nito ay pinaguusapan na kaagad… sino ang kamukha, matangos ba ang ilong, mapungay kaya ang mga mata?

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Iba din ang kasiyahang dulot kapag minamasdan siyang gumagalaw habang nasa tiyan pa ng kanyang ina. Kung saan sumasabay sa indak kapag naririnig na kumakanta o nagsasalita ang magulang.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ang isang video kung saan makikitang sumasabay ang kanilang hindi pa sinisilang na anak sa pagkanta ng kanyang ama na si Billy.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Kung papanoorin ay parang sumasayaw ang kanilang anak sa loob ng tiyan ni Coleen.

 

View this post on Instagram

 

Baby’s dancing along to Daddy’s voice ?? #23weeks

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

Sinabi pa ni Billy Crawford na:

“#BabyCrawford, Mommy & Daddy loves you so much and understand that you’ve been in quarantine longer than we have. #23Weeks #Don’tWorryBeHappyNow”

Marami ding nakapanood sa video ang natuwa sa shinare ng mag-asawa.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“Priceless moments ? happy for you guys”

“Repeating the video too cute”

“So cute! ???? the most priceless and satisfying moment that you will experience in your entire life???? ????”

“Nasa tummy pa lang pero sobrag adorable na! What more pa kaya kapag lumabas na si Baby. ❤️?”

Masayang ibinalita ni Coleen at Billy ang blessing na kanilang natanggap noong nakaraang May 1. Inanunsyo ito ng mag-asawa nang maglilimang buwang buntis na si Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“It’s been over 5 months now. And just like that, we’re more than halfway through! ??❤️ We found out earlier this year, but I’ve been pregnant since Dec 2019, and it’s been quite a ride since then! Thank you to the friends who’ve been praying for us and checking in on us! We’re beyond grateful for this huge blessing! God is always so good. ? Excited for us, Daddyyy @billycrawford ?”

Sobrang excited na ng dalawa na makasama ang kanilang isisilang na anak. Nilolook forward na rin nila na sa susunod na travel nila ay tatlo na silang sama-samang magbabakasyon sa magagandang lugar.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“Smiling while looking through old photos.. I know it’s gonna be a while before we get to travel again, but at least the next time we do, it won’t just be the two of us anymore @billycrawford and that’s definitely something to look forward to ?”