Cute na anak nila Anne Curtis at Erwan Heussaff, dalawang buwan na!

Napakabilis nga naman talaga ng panahon. Noong March 2, 2020 lamang ay ipinanganak ang napaka-gandang anak nila Anne at Erwan. Ngayon ay nagse-celebrate na ito ng kanyang ika-dalawang buwan.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ni Anne ang letrato ng kanyang dalawang buwang gulang na anak.

“My Little Autumn Baby ? Yesterday, was 2 months of getting to cuddle and kiss this sweet, sweet little girl. It’s insane how she’s growing so fast. Cherishing her days of being this tiny ?
Love you so much our cheeky little possum, Dahlia Amélie ?.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Kung titignan ang latest na letrato ni Dahlia ay kamukha niya ang kanyang amang si Erwan sa anggulo ng pagkakuha ng letrato.

Nang pagkapanganak ni Dahlia ay masayang ipinakilala ni Anne ang kanilang anak ngunit hindi nila agad nilabas ang mukha ni Dahlia.

“Never knew I could love someone so much… So much that it hurts in a good way… it’s an unexplainable kind of love. The kind I’ve never felt before. It’s so overwhelming and fills your heart to the brim with pure happiness. I will always be here to love, protect, guide and hold her little hand every step of the way… even when that little hand isn’t so little anymore. Everyone, I would like to introduce our darling daughter, Dahlia Amélie Heussaff. ?”

Credit: Anne Curtis Instagram

Noong ika-isang buwan ni Dahlia ay ini-reveal na ng mag-asawang Erwan at Anne kung gaano kaganda ang kanilang anak.

“Yesterday, we celebrated her 1st month of life. We love you our little Dahlia Amélie ??.
Hoping this brings a smile to your face today ?☀️”

Credit: Anne Curtis Instagram

Maging si Erwan ay hindi napigilang i-share sa publiko ang kanilang unica ija at sinabi pa nito na masaya siya sa bagong role niya bilang ama ni Dahlia.

“Embracing my new role as a full time dad/florist/baby photographer.”

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Si Erwan, Anne, at Dahlia ay namamalagi ngayon sa Australia kung saan doon din nanganak si Anne noong buwan ng Marso.