Cute na cute na baby ni Jhong Hilario, 5 months old na!

Kilala nga naman nating lahat ang nag-iisang Sample King. Kung dance floor din ang usapan, si Jhong Hilario na nga naman ang nangunguna diyan. Pero bukod sa pagsayaw, nakilala din si Jhong sa pagiging isang magaling na host sa It’s Showtime. Nakita nga naman dito ang pagiging kwela ni Jhong.

Credit: jhonghilario instagram

Maging ang pagiging aktor ay kinarera na ni Jhong. Nakilala din siya bilang si Alakdan sa FPJ’s Ang Probinsyano. Bilang isang p0litician naman, ay kasalukuyang konsehal ng unang distrito ng Makati City si Jhong.

Credit: jhonghilario instagram

At syempre, ang pinakamahalagang propesyon ni Jhong ay ang pagiging isang ama sa kanyang anak na si Princess Sari. Nakita naman natin kung gaano kaproud si Jhong nang naisilang si Princess. Pero, napakabilis ng panahon.

Credit: jhonghilario instagram

Limang buwan na nga naman si Princess Sari. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang nang naisilang si Princess Sari at ngayon ay limang buwan na ito.

“Happy 5 months my Princess Sari! ? I love you! ??? @sarinahilario ? @maialevisteazores #5months #sampleprincess,” saad ni Jhong sa kanyang IG. Lubos namang pinanggigigilan ng mga netizens at fans si Princess Sari dahil sa kanyang charm at beauty.

Credit: jhonghilario instagram

Sino bang hindi manggigigil sa kanyang ganda at overloading cuteness? Carbon copy nga naman talaga ni Jhong si Princess kaya tinawag na rin siyang sample princess. Marami tuloy netizens ang nagiisip kung nagmana nga ba si Princess kay Jhong pagdating sa talent lalo na sa dance floor.

Credit: jhonghilario instagram

No doubt na ang dance floor ay talagang para kay sample King Jhong Hilario. Narito naman ang mga komento ng mga netizens:

“ang cute naman po idol jong carbon copy po tlga”
“Happy 5mons old baby super cute?”
“The king and the princess …love you baby Sari”

Credit: jhonghilario instagram

“Happy 5 month sari God always guide you and protect you always”
“Happy 5th monthsary baby pinces Sarina you very cute baby … ? keep safe”