Cute na cute na si Baby Martina, 9 months old na!

Ipinagdiwang ng aktres na si Sheena Halili ang 9th month ng anak nila ni Jeron Manzanero na si Martina Candice. Sa kanyang latest Instagram post, ipinasilip niya kung paano niya ipinagdiwang ang espesyal na awar na ito. Makikita sa first 2 pictures na nasa harap ni Martina ang kanyang cake na may candle.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

May caption ang post na “Happy 9th month my baby girl ♥️ @martinahalilimanzanero”
Kapansin pansin naman kung gaano magfocus ang baby girl sa cake niyang chocolate-flavored na may toppings na fresh fruits na tila siya’y takam na takam.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

“Pag-uwi na ni papa @jemanzanero tayo celebrate ng bongga ha 😘” dagdag pa ni Sheena sa caption. Makikita sa 3rd picture na naka-attach din sa nasabing post na kasama lang nila si Jeron virtually. Wala siya sa mismong bahay nila ngunit gumawa naman ito ng paraan upang makasama sa celebration kahit papaano kaya naman makikita sa picture na ka-video call nila si Jeron.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

Gamit ang isang gadget, makikita sa screen si Jeron. Sa paraang ito ay parang kasama na rin nila siyang magcelebrate kahit siya ay nasa ibang lugar. Habang si Martina naman ay nakangiti at nakafocus pa rin sa cake.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram

3 months na lang ay ise-celebrate na ang 1st birthday ni Martina. Sa kanyang 9th month celebration ay makikitang siya ay nakasuot ng isang dress.

Matatandaang sina Sheena at Jeron ay ikinasal noong February 23 sa Blue Leaf Events Place sa Quezon City kung saan isang napakagandang wedding ceremony at celebration and naganap.
Pagkatapos ng apat na buwan ay kinumpirma niya at ibinahagi sa publiko na siya ay nagdadalang tao. Simula na ng p@nd3mya nang i-announce niya ang pregnancy, buwan iyon ng June.

Sa December 12 ay 1 year old na si Martina. Si Sheena ay isang personalidad sa industriya ng showbiz. Maaalalang nagsimula ang kanyang career sa industriya nang maging isa siya sa mga finalist ng GMA-talent search StarStrvck. Si Jeron naman ay isang lawyer na nagtatrabaho sa Pasig City bilang administrator.

Sa ngayon ay isa na ding vlogger si Sheena. Mayroon siyang sariling channel kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga life updates o mga kaganapan sa kaniyang buhay pati na rin buhay nilang pamilya. Kung papanoorin ang kanyang mga videos ay lalo silang makikilalang magpapamilya.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero instagram