Dahlia Amelie, kinagiliwan ng mga netizens habang nakikipaglaro ng peek-a-boo sa Ina na si Anne Curtis

Ibinida ng aktres na si Anne Curtis ang baby girl nila ni Erwan Heussaff sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang isang video na tila nakikipaglaro siya sa mga nanonood sa kanya. Masasaksihan sa video na si Dahlia ay nasa loob ng kanyang mini own space.

Credit: Anne Curtis instagram

“Peek-a-boo 👧🏻” ang panimula ni Anne sa kanyang caption. Si Dahlia ay nasa loob ng isang play tent.
Mapapanood sa short clip na ang baby girl ay nagtatago sa kanyang napakagandang play tent habang biglang nagpapakita sa pamamagitan ng pagbukas sa mga nakaharang na tela na parang nakikipaglaro siya ng Peek-a-boo.

Credit: Anne Curtis instagram

“She is loving her teepee @forestkidsnorway and of course her comfy @tilidahli dreamsuit ☁️” dagdag pa ng celebrity mom. Ang play tent na ito ay nanggaling sa Forest Kids Norway. Ang product na ito ay naka-design talaga para sa mga babies kung saan sila ay pwedeng gumawa ng iba’t ibang mga activities.

Credit: Anne Curtis instagram

Makikita din medyo maaliwalas ang loob nito. Ang play tent ni Dahlia ay kulay white kaya naman napakalinis at aesthetic tignan nito at nababagay sa mga minimal at aesthetic decorations sa bahay.

Credit: Anne Curtis instagram

At siyempre, ang suot naman na dreamsuit ng baby girl ay nanggaling sa Tili Dahli. Mapapansin din naman kung gaano ka-komportable ang baby girl lalo na sa suot niyang “onesie”. Talaga nga namang bagay na bagay sa kanya ito.

Credit: Anne Curtis instagram

Ang Tili Dahli ay ang sustainable baby wear shop na ini-launch mismo ng kanyang celebity mom na si Anne Curtis at celebrity tita na si Solenn Heussaff na kapatid ng kanyang daddy Erwan Heussaff.
Si Dahlia mismo ang isa sa dalawang naging inspirasyon upang i-launch ang business.

Credit: Anne Curtis instagram

Ang isa pang naging inspirasyon ng dalawang celebrity business moms ay si Thylane Katana o “Tili” na anak naman Solenn Heaussaff at Nico Bolzico. “Reels saw this first. But unsure if everyone can see it? 🤷🏻‍♀️” ang pagtatapos naman ni Anne sa kanyang caption.

Makikita naman sa comment section kung gaano siya kinagigiliwan at kinaaaliwan ng karamihan. May mga celebrities din na makikita sa comment section tulad na lamang ni Issa Pressman na nagcomment ng mga heart eyes emojis at si Antoinette Taus na nagcomment naman ng mga heart emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Si Dahlia Amelie ay nagcelebrate ng kanyang 1st birthday noong nakaraang March 2.