Hindi ka pa man isinilang sa mundo, malaking bagay na nga naman ang sakr!pisyo ng ating mga magulang sa atin. Ibibigay nga naman nila ang lahat para sa atin.
Kilala bilang haligi at tagapag bigay ng ating mga pangangailangan ang mga ama. Kaya naman, dapat lang na maging mapagpasalamat tayo sa mga amang ibinigay sa atin ng Diyos.

Iyan ang naging sentro ng post ng anak ni Bossing Vic Sotto na si Danica Sotto Pingris. Mayroon kasi siyang “12 Days of Gratitude” posts sa IG na kanyang sinimulan noong nakaraang disyembre.
At ang Day 2 ay sumentro kung gaano siya kasaya at ka thankful sa kanyang amang si Bossing Vic Sotto. “Grateful for Dad” ang tema ng kanyang Day 2 post.

“Grateful for Dad. [blue heart emoji] I don’t get to see our Dad everyday but whenever I do, I can’t help but hug him kahit for a few seconds lang. That’s also my lambing to him,” saad ng post.
“Fun fact” naman ang ibinahagi ni Danica tungkol kay Vic sa kanyang IG post. Napagalaman kasi na mahilig pala sa perfume si Bossing Vic.

“Our Dad loves perfume or cologne that smells fresh and not the ones with musky or strong scents. He’s into scents that smell clean. Always so mabango,” saad pa ng post.
Itinanong tuloy ng kaibigan kung ano nga ba ang paboritong pabango na ito ni Vic. Ito daw ay “diptyque”, isang Paris-based luxury goods company na isang high-end line ng scented candles, perfumes, face, at body care.
Matatandaang apat ang mga kapatid ni Danica kay Vic na sina Oyo Boy Sotto, na kanyang full sibling. At ang kanyang mga half siblings ay sina Pasig Mayor Vico Sotto, Paulina, at ang bunsong si Baby Tali.

Samantala, masaya naman si Danica sa kanyang pamilya at asawa na basketball player na si Mark Pingris.