Daniel Padilla, ibinunyag na ang isang importanteng detalye tungkol sa pagpapakasal sa long-time girlfriend na si Kathryn Bernardo

Isa sa mga tinitingalang showbiz sweethearts ngayon sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa tatag ng kanilang relasyon na magwawalong taon na.

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube          

Sa isang presscon ng pelikula nilang “The How’s of Us” ay inamin ng dalawa na limang taon na silang nasa relasyon. Marami ang natuwa sa balitang ito at marami din ang nagtanong kung paano nagsimula ang love story ng sikat na tambalang KathNiel.

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

Sa isang episode ng “I Feel U” nila Toni at Alex Gonzaga ay nagkwento na ang si Daniel at Kathryn kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

Ayon kay Kathryn ay una niyang nakita si Daniel sa noontime show na It’s Showtime.

“Yung pinaka-una talaga yung sa showtime pero hindi pa kami formally na-introduced sa isa’t isa noon, so nagkita lang talaga. Sumasayaw pa si DJ noon. Kasama niya yung Gimik cast, tapos ako, kasama ko si John Manalo pa yun. Pero yung formally na nag-meet kami, yun na yung kina-cast siya for Growing Up.”

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

Ikwinento ni Daniel na nag-umpisa siyang magkagusto kay Kathryn nang magsimula silang maging magkatrabaho.

“Siyempre araw-araw mo kasama yung tao. May hidden na akong pagtingin sa kanya. Eventually, you look forward sa every trabaho.”

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

“Kapag pupunta ako sa trabaho, kasama na rin ‘yung ano kaya ang mangyayari today, ano naman kaya si Kathryn ngayon.”

Inamin ni Kathryn na dahil sa masugid na panliligaw ni Daniel at sa kanyang pagiging caring ay nahulog na rin ang ang kanyang puso para sa batang aktor.

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

“Naramdaman ko yun nung naging consistent siya sa pagpunta sa bahay. As in, old school. Niligawan din niya si Mama. Tuloy-tuloy ‘yun, parang one year.”

“Naramdaman ko na sincere yung tao then tinanong ko si Mama. Mukhang okay naman sa kanya, so sabi ko nag-’yes’ na ako.”

Isang fan ang nagpadala ng tanong kung kelan ang balak magpakasal ng dalawa at agad naman itong sinagot ni Daniel.

Credit: Threelogy Video YouTube

“Siguro mga 4 years or 5 years from now.”

Credit: Threelogy Video YouTube

Halatang napag-uusapan na ito ng dalawa dahil agad ding nag-agree si Kathryn sa sinagot ni Daniel.