Derek Ramsay, kinumpirma na hiwalay na sila ni Andrea Torres

Mabilis na kumalat ang mga haka-haka na hiwalay na ang magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres matapos mapansin ng mga netizen na bigla nilang tinanggal ang lahat ng kanilang mga larawan nang magkasama sa Instagram nitong linggo.

Credit: Derek Ramsay Instagram     

Matatandaang nitong September 25 lamang nang mag-guest sa “Mars Pa More” sina Derek at Andrea kung saan ay inamin nilang handa na silang magpakasal na dalawa. Dahil sa mga espekulasyon na hiwalay na nga sila ng aktres kaya maraming natatanggap ngayon na mga negatibong komento ang aktor mula sa mga netizen.

Ipinagtanggol naman ni Derek ang kanyang sarili mula sa mga pambabatikos na natatanggap niya. Ngayong araw, November 19, ay isang letrato ang i-pinost ni Derek kung saan binati niya ang kanyang ina ng “Happy Birthday”.

Credit: Derek Ramsay Instagram

Sa comment section nga ng kanyang Instagram post ay bumaha ang mga opinyon ng netizens tungkol sa paghihiwalay nila ni Andrea. May isang netizen na nag-komento na bawat nagiging ka-loveteam umano ni Derek ay nagiging karelasyon niya. Komento ng netizen, “Every girl na nila-loveteam sa kanya ay nagiging GF niya.”

Mariin naman itong pinabulaanan ni Derek at sinabing si Andrea lang ang naging leading lady niya na naging nobya niya. Tugon ni Derek sa sinabi ng netizen, “There is no truth to what you are saying.”

Pagbibigay diin pa ni Derek, “Andrea is the only leading lady that became my GF.”

Credit: Andrea Torres Instagram

Hindi naman maiwasan ni Derek na punahin ang mga b@stos na komento ng mga netizen tungkol sa kanya.

“wag naman po bastos,” sabi ni Derek sa isang netizen na nagsasabi ng mga mal@l@swang komento tungkol sa kanya at sa mga babaeng nakakarelasyon niya.

Credit: Derek Ramsay Instagram

May isang netizen naman ang nag-komento na kaya sila naghiwalay ni Andrea ay dahil hindi pa handa ang aktor na magpakasal. Ani ng netizen, “I think he’s not into marriage.”

May reaksyon naman si Derek sa sinabi ng netizen. Saad niya rito, “I think you are wrong.”

Credit: Andrea Torres Instagram

Samantala, sa isa pang komento ay tuluyan na ngang kinumpirma ni Derek ang paghihiwalay nila ni Andrea. Nilinaw din ni Derek na hindi third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Saad ni Derek, “There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party. The breakup has happened so fast. maybe 2 people are just not meant to be. [Please] respect us nalang. We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves.”

Credit: Derek Ramsay Instagram

Dagdag pa ni Derek, “Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

Credit: Andrea Torres Instagram

Sa ngayon, wala pa ring inilalabas na pahayag si Andrea tungkol sa paghihiwalay nila ni Derek.
Kinumpirma nina Derek at Andrea ang kanilang relasyon noong September 2019.