Diego Loyzaga, masayang inanunsyo na magkasintahan na sila ni Barbie Imperial!

May espesyal na inanunsyo ang aktor na si Diego Loyzaga ngayong bagong taon. Sa kauna-unahang pagkakataon, ay inilantad ni Diego sa publiko ang relasyon nila ni Barbie Imperial na matagal nang nali-link sa kanya.

Credit: Diego Loyzaga Instagram    

Isang litrato nila ni Barbie ang ipinost ni Diego sa kanyang Instagram para kumpirmahin ang kanilang relasyon. Opisyal na ngang nagdi-date ang dalawa base sa litratong ipinost ng aktor.

Makikita sa larawan ang matamis na pagtitinginan nila ni Barbie.

Credit: Diego Loyzaga Instagram

Mukhang nagbakasyon ang dalawa sa isang beach resort base na rin sa larawan na ipinost ni Diego.
Kitang-kita sa ngiti ng binata kung gaano siya kasaya sa piling ni Barbie.

“Happy new year to us thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021!! ?,” makabuluhang caption ni Diego sa litrato nila ni Barbie.

Bumaha naman ang pagbati para kina Diego at Barbie mula sa mga kasamahan nila sa showbiz.

Credit: Barbie Imperial Instagram

Kabilang sa mga bumati sa magkasintahan si Sunshine Cruz na dating asawa ng ama ni Diego na si Cesar Montano.

Masaya si Sunshine para sa bagong pag-ibig na natagpuan ni Diego. Ani Sunshine, “You both deserve to be happy! Happy New Year Diegs and my beautiful Cai!”

Credit: Diego Loyzaga Instagram

Ipinahiwatig naman ng co-star ni Barbie sa “Bagong Umaga” at kaibigan nila ni Diego na si Michelle Vito na matagal na ngang magkasintahan ang dalawa ngunit ngayon lamang nagpo-post sa kanilang social media.

Ani Michelle, “Awww!! himala nagpost haha @diegoloyzaga @msbarbieimperial”

Credit: Barbie Imperial Instagram

Si Barbie at Diego ay matagal nang magkaibigan bago pa man sila naging magkasintahan.

Sa panayam ni Barbie noong November sa “Magandang Buhay” ay inamin niya na nagpaparamdam sa kanya ang aktor.

Bago ang pag-amin na ito ni Barbie ay marami na ang nakakaramdam na may gusto nga ang aktor sa kanya lalo na nang magkomento ito sa kanyang mga larawan sa Instagram kung saan ay nakasuot siya ng swimsuit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE (@msbarbieimperial)

Samantala, maraming netizens naman ang hindi na nagulat sa rebelasyong ito ni Diego. Mas nangingibabaw din ang kilig na nararamdaman ng mga netizen kaysa pagkagulat sa paglalantad ni Diego sa relasyon nila ng aktres. Narito ang ilang komento ng netizens:

“Wow congrats both kilig naman”

Credit: Barbie Imperial Instagram

“AAAAAAAHHH so happy for u guyssss”

“AYAAAAN NAAAAAAA IM SOOOO HAPPY FOR YOU GUYS LOVE YOU BOTH”

“Sabi ko na eh, na-ssense ko na din ang ka sweetan ng dlawang ‘to. and its confirmed!!! Omg. My heart. You guys are so kyuut together.”