Dimples Romana at Boyet Ahmee, sinurpresa ang kanilang kasambahay sa loob ng 17 taon ng isang brand new house!

Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng matapat at mapagkakatiwalaang kasama sa bahay.
Kaya naman labis ang pasasalamat ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee sa kanilang kasama sa bahay na si Ate Vilma o tinatawag din nilang “Ate V”.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Ayon sa mag-asawa, 17 taon na umano na naninilbihan sa kanila si Ate V at sa loob ng 17 taon ay napatunayan na umano nito ang kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kanilang pamilya.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Kwento ni Boyet, mahirap na umano na makahanap ng katulad ni Ate V na itinuturing na nilang parte ng kanilang pamilya.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Maliban dito, ikwenento rin nina Dimples at Boyet na labis nilang pinapahalagahan ang opinyon ni Ate V.Sa tuwing may bibilhin nga raw silang bagong property ay hinihingi nila ang opinyon ng kasambahay.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Ibinunyag din ni Dimples na sa loob ng 17 taong pagsisilbi ni Ate V sa kanilang pamilya ay may mga pagkakataon daw na hindi nila ito na-swelduhan lalo na noong mga panahon na nagsisimula pa lamang silang mag-ipon na mag-asawa.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Gayunpaman, ay hindi raw sila iniwan ni Ate V. Nanatili umano ito sa kanila sa h!rap at ginhawa. Bagay na lubos na ipinagpapasalamat nilang mag-asawa.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Kaya naman ngayong kaya na nilang suklian ang katapatan at pagmamalasakit ng kasambahay ay isang brand new house and lot ang handog nila para rito.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Sa kanyang pinakabagong vlog, ay ibinahagi ni Dimples kung paano nila sinurpresa si Ate V.
Ang akala ni Ate V kaya siya isinama nina Dimples at Boyet sa bagong bahay ng mga ito ay para ipakita lamang sa kanya ang bahay at hingin ang kanyang opinyon.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Ngunit walang kamalay-malay si Ate V na ang naturang bahay ay para sa kanya.
Sa vlog, ay makikita si Ate V na sinusuri ang bawat sulok ng bahay.Kapansin-pansin naman sa mukha ni Ate V na nagustuhan nito ang bahay.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Hanggang sa dumako sila sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay kung saan nakahanda ang surpresa nina Dimples at Boyet.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Nang makita ni Ate V ang kanyang life-size standee picture at mga salitang “Oo para sa iyo ito” na nakadikit sa pader ay tuluyan na itong naging emosyonal.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Pati si Dimples ay hindi rin napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.Ani Dimples, “May mga buwan na hindi ko na-swelduhan ‘yang si Ate V. Late kami nag-suweldo kasi abot-abot ‘yung bills namin ni Boyet…Pero ‘yang si Ate V, never siyang umalis sa amin. Na-appreciate ko, Ate V. Kaya, it’s payback time. Gusto ko happy ka, Ate V.”

Dagdag naman ni Boyet, “We could’ve not done everything that we did kung hindi dahil sa kanya.”
Tugon naman ni Ate V, “Thank you, Dimps. Wala na akong masabi, Dimps. Ayaw ko nang magsalita baka maiyak pa ko.”