Dimples Romana, naging emosyonal matapos makita sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa kanyang ika-36 na kaarawan

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkasama muli ang dating mag-on-screen partners na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz para surpresahin ang kanilang kaibigan na si TV actress Dimples Romana.

Credit: Boyet Ahmee YouTube        

Emosyonal ang muling pagkikita ng magkakaibigan na bahagi ng sorpresa ng asawa ni Dimples na si Boyet Ahmee para sa kanyang ika-36 na kaarawan noong November.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Nitong December 19, inilabas ni Boyet sa kanyang YouTube channel ang video ng birthday surprise nila para kay Dimples.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Mapapanood sa video ang iba’t ibang sorpresa na inihanda ni Boyet para sa kanyang “Mahal na Reyna”.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Una munang isinakay ni Boyet si Dimples sa kanyang motorbike. Hindi alam ng aktres na ang pagsakay sa motor ng kanyang asawa ay isa lamang sa maraming sorpresa na matatanggap niya sa araw na iyon.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Isang romantic date naman ang sunod na sorpresa ni Boyet para sa asawa. Pinaiyak ni Boyet si Dimples sa kanyang nakaka-touch na sulat.

Sa sulat, pinasalamatan ni Boyet si Dimples dahil ito umano ang dahilan kung bakit nasa isang “good place” sila ngayon.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Aniya, “Dearest mahal na Reyna, what I really want to tell you my love is thank you. You are the reason why we are in a good place right now. You know it was not easy at first, but we got through it successfully.”

Dagdag ni Boyet, “17 years was not a stroll in the park when we started. But with all the happy as well as not so good memories, it made us stronger…and may this journey run smoothly.”

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Samantala, hindi pa man nakaka-recover mula sa pag-iyak dahil sa mensahe ng kanyang asawa ay muli na namang naluha si Dimples matapos magpakita sina Bea at John Lloyd mula sa kanyang likuran.

Sa paglitaw ng kanyang mga kaibigan ay pakiramdam ni Dimples na napaka-espesyal niyang tao.

Ani Dimples, “Napaka-special ko naman. Hindi ako makapaniwala. Para akong nananaginip. Sobrang saya ko na nakita ko kayo.”

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Sabi naman ni Bea, “Ganu’n talaga. Moment mo ‘to mars!”

Larawan din sa mukha ni John Lloyd, na matagal nang naka-indefinite leave sa showbiz, ang saya sa muli nilang pagkikitang tatlo.

Ibinahagi naman ni Dimples ang sayang kanyang nararamdaman sa lahat ng sorpresa na inihanda sa kanya ni Boyet.

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Ani Dimples, “Ang sarap pala ‘no kapag people give you time and literal parang iniisip ko kanina, ‘Lord, ano ba ‘tong nangyayari kasi parang one surprise after the other…Sa letter palang masayang-masaya na ako kasi si Boyet, he used to write me letters a long time ago.”

Credit: Boyet Ahmee YouTube

Nagsimula ang friendship nina Bea, John Lloyd at Dimples nang magsama sila sa pelikulang “One More Chance” at “A Second Chance”.