Dingdong Dantes at Marian Rivera, sweet na sweet ang message sa isa’t isa para sa kanilang 6th wedding anniversary

Kung love team din naman ang usapan, numero uno na sa listahan ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sila nga naman ang isa sa mga natatangi at talagang kinakikiligan na mga couples sa Pinoy showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa katagalan, sila ay naging magkasintahan at kalaunan ay naging magasawa na. Nakabuo sila ng masaya at patuloy na lumalaking pamilya. Nariyan ang kanilang dalawang anak, ang napakagandang si Baby Zia at ang gwapo namang si Baby Ziggy.

Credit: Marian Rivera instagram

At sa kanilang pagsasama, masayang masaya nga naman ang pamilya at relasyon ni Marian at Dingdong sa loob ng anim na buwan. Napakabilis nga naman ng panahon.

Anim na taon na mula ng sila ay ikasal at ngayon sila ay nagdiriwang ng kanilang wedding anniversary.

Credit: Dong Dantes instagram

Makikita sa mga larawan ang mga nakakakilig na larawan ng mag-asawa. Sweet na sweet na nakayakap si Dingdong kay Marian sa kanilang posted photo.

Credit: Dong Dantes instagram

“Obvious bang gigil na gigil pa rin ako sa iyo? Happy 6 years, my love,” saad ni Dingdong sa kanyang IG. Talaga nga namang hanggang ngayon ay naguumpaw pa rin ang sweetness mayroon ang dalawa. Wala nga namang makakapantay sa init ng pagmamahalan ng dalawang ito.

Credit: Dong Dantes instagram

Isa namang napakaikli at simpleng mensahe ang pinost ni Marian sa social media, “To my life… Happy 6th!”

Talaga nga namang inspirasyon si Dingdong at Marian para sa lahat lalo na sa mga mag-asawa at mga couples. Nagsimula man ang lahat sa telebisyon at pag-arte, napatunayan naman nila ang tunay nq pag-ibig at pagmamahalan sa kanilang love story at pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Kaya naman, di pa rin mapigilan ng mga netizens na kiligin at nagpaabot din sila ng mga pagbati sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

“Happy anniversary!!More love to both of you.Stay strong Healthy & God fearing!.Godbless”
“Happy Anniversary! Keep on loving each other. Stay faithful with one another.”
“happy 6year anniversary dongyan,sana lalu pang maging strong ang pgsasama nyo,keepsafe and godbless always”