Donnalyn Bartolome, sinagot ang isang netizen na tinawag siyang “cheap” dahil sa bag na kanyang dala habang bumibili ng luxury car

Isa ang singer-rapper na si Donnalyn Bartolome sa mga matagumpay na vlogger ngayon sa Pilipinas. Sa katunayan ay tinagurian si Donnalyn bilang “Social Media Goddess” dahil sa kanyang pamamayagpag bilang isang social media influencer at YouTube content creator.

Credit: Donnalyn Bartolome Instagram    

Sa kasalukuyan, pumalo na sa humigit-kumulang 6 million ang kanyang mga subscriber sa YouTube.
Ngunit sa kabila ng kasikatan ni Donnalyn ay nananatili siyang simple at mapagkumbaba.

Gayunpaman dahil sa kanyang pagiging simple at kababaang-loob, tinawag siyang “cheap” ng isang netizen.

Credit: Donnalyn Bartolome Instagram

Noong nakaraang December 30, 2020, ibinahagi ni Donnalyn sa isang post sa Facebook ang screenshot ng komento ng nasabing netizen na tumawag sa kanya na “cheap” dahil lamang gamit niya ang isang Burberry bag habang bumibili ng isang sports car.

Credit: Donnalyn Bartolome YouTube

Kamakailan lamang ay bumili ng sports car si Donnalyn para sa kanyang sarili. Inupload naman niya sa kanyang YouTube channel ang video ng pagpunta niya sa isang car store na nagbebenta ng mga luxury car.

Pinuna nga ng nasabing netizen ang bag na ginamit ni Donnalyn nang bumili siya ng sports car. Sinabi ng netizen na mukha lamang umanong papunta sa isang convenience store si Donnalyn dahil sa kanyang Burberry bag.

Ani netizen, “Buying luxuries car with burberry purse?! Eeww! So cheap! She looks like she just going to a convenience store”

Credit: Donnalyn Bartolome YouTube

Hindi pinalagpas ni Donnalyn ang komento ng netizen. Sa kanyang tugon sa komento ng netizen ay binigyang-diin ni Donnalyn ang kahalagahan ng pagiging isang tao na may pera ngunit hindi nagmamalaki kaysa sa isang taong nagmamayabang ngunit walang pera.

Saad ni Donnalyn, “And this, kids, is the perfect example of why it’s important to not be the girl with a $10,000 bag that doesn’t have $10,000 in it. Don’t go broke trying to look rich ? “

Dagdag niya, “My Burberry may not be the most expensive bag but when you look inside you’ll see why I call it my lucky bag ?Beyonce will back me up on that hunnniieeeee. Jisoo tuu~” 

Credit: Donnalyn Bartolome YouTube

Samantala, maraming netizens naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Donnalyn. Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa sinabi ni Donnalyn.

“Hndi important qong branded man or local ang bag ,ang mahalaga ung NSA loob Ng bag,God bless po miss Donalyn,,keep safe po,,???”

“huh.. at least her burberry bag brought her to buy and afford that luxury car… ???”

“I don’t know bout those bags pero Donna is so humble, that’s it.. Lablab❤”

Credit: Donnalyn Bartolome Instagram

“Wise G be like, Its not always how expensive the bag is, its actualy the numbers in her card hommies “